ORI's POV
"ORI!" Tawag sa akin nila Macie nang matapos ihatid ako ni Francis dito sa school.
Lumapit sila sa akin at inakbayan ako. Muntik na nga akong mapasubsob sa lakas na'ng pagakbay niya sa akin. Punyeta! Tinignan ko nang masama si Macie pero nginitian lang ako. "Punta tayo mamaya ka'y Irene." Saad ni Lyli. Napatingin naman kami nila Sofia sa kaniya. Hindi pwede ako pumunta sa hospital dahil may dinner na gaganapin mamayang gabi.
"Oo nga!" Napatakip naman ako sa tenga ko nang sumigaw siya. Bahagya ko siya'ng tinulak dahilan para mapatingin siya sa akin.
"Alam mo ikaw, hindi ba pwedeng hinaan mo ang boses mo? Pwede ka naman hindi sumigaw diba. Pwede ka naman ding tumango bakit kailangan mo pang sumigaw sa 'tenga' ko? Macie?" Pinagkadiinan ko ang salitang tenga. "Sorry hindi ako makakapunta sa hospital dahil may gaganapin na dinner mamaya." Saad ko. Tinignan ko muna si Macie bago ako umalis. Rinig ko pa na pinagsabihan nila si Macie.
Habang naglalakad ako papunta'ng room namin ay bigla'ng may humatak sa akin at pinapasok ako sa room na wala'ng tao. Nang makapasok ako ay tinignan ko kung sino ang lalaking humatak sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Gab. Magsasalita na sana ako nang bigla niyang nilagay ang daliri niya sa labi ko. Hinawi ko naman ito at tumingin nang masama sa kaniya. "Ano ba?" Saad ko. Tinignan niya ako tumayo nang maayos.
"May mahalaga akong sasabihin sayo," saad niya. Napairap naman ako at nag cross arm.
"Kung hindi yan mahalaga ay aalis na ako--" pahakbang na sana ako paalis nang bigla niya akong hatakin at isandal sa pader.
"May pinapasabi sayo si Theo," saad niya. Kumunot ang noo ko at tumingin sa mga mata niya.
"Kaya nga kung hindi 'yan importante ay aalis-- ano ba!" Sigaw ko nang isandal niya ulit ako sa pader dahil hinawi ko ang kamay niya na nakalagay sa balikat ko. "Tss, sabihin mo na kung ano man niyan." Mataray na sabi ko.
"Pumunta ka daw sa rooftop pagkatapos nang recess natin," saad niya at binitawan na ang balikat ko. Tinap niya muna ang balikat ko bago lumabas.
Rooftop? Bakit ako pupunta na'ng rooftop ano ba meron sa rooftop at paborito niyang place yun.
"Hayy!" Saad ko at inis na sinundan si Gab. Lintek ano ba 'yan! "Gab!" Tawag ko sa kaniya dahilan para mapatingin sa akin ang mga estudyante na naglalakad. Napatigil naman si Gab sa paglalakad at tumingin sa akin. Lumapit ako sa kaniya hanggang sa makalapit na ako. "Yah! Ano bang meron sa rooftop?" Tanong ko. Ngumiti na lang siya at ginulo ang buhok. Ha! Tuluyan na niya ako'ng tinalikuran at kakaway kaway habang papalayo sa akin. Tss baliw!
Pumunta na lang ako sa room at pumasok na tumabi na lang ako sa tabi ni Lliope. Dahil kapag tatabi ako sa tabi ni Macie ay baka hindi ako makakonsintrate. Hindi muna kami sa office nagklase dahil nagiinarti si Miss Iowa bakit pinaghiwalay hiwalay daw. Nagalit naman si Daddy na'ng marinig niya iyon.
Napaisip ako kung ano ang sinasabi ni Gab na pumunta daw ako sa rooftop kapag recess na namin. Napairap na lang ako at tumingin ka'y Macie na papalapit. "Ms. President," saad niya nang makalapit siya sa tabi ko.
Kunot noo naman akong tumingin sa kaniya. "Ano yun?" Tanong ko. Umupo na siya at nilagay ang isang siko sa desk. Pangalumbabab naman siyang tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
The Taste Of Revenge
RomanceIsang babae na gusto'ng makamit ang hustisya dahil sa pagpatay sa kaniya'ng ina. Ina na siya lang nakakapagbigay na'ng ligaya. At ngayon na wala na ang kaniya'ng ina. Possible ba na may magbago simula na mawala ang kaniya'ng ina? Simula na mapatay a...