TTOR: 28: Ang sakit.....

36 1 0
                                    

IRENE's POV

HINDI Ako pumasok ngayon dahil bibisitahin ko si Liam. Sa totoo lang hindi na depressed ang tawag duon. Nawawalan na din siya na'ng ganang kumain. Tapos ang lagi niya'ng binabanggat na pangalan ay ang pangalan ni Kim. Minsan naman dumadalaw si Kim sa hospital kaya lumalabas ako sa kwarto niya para makapagusap sila.

Mahigit isang linggo na siya sa hospital parang ayaw pa niya magpagaling. Ang gusto niya daw kasama lagi ay si Kim. Kaya kahit masakit ay pinapunta ko si Kim. Kahit na ako ang fiance niya. Noong una akala ko hindi ako magkakagusto sa kaniya pero na bigo ako. Kinain ko din ang sinabi ko. Sa tingin ko hindi nababagay sa akin si Liam. Hindi siya pwedeng magpakasal sa akin.

Sa tuwing maalala ko yung mga panahon na magkakasama kami ay napapangiti ako. Dahil hindi na mauulit ang masaya naming pagsasama. Ang sabi nang Mommy niya sa akin ay wag ko daw siyang iiwan. Sabi ko naman sa isip ko. Hindi ako ang kailangan ni Liam kun'di si Kim, si Kim ang kailangan ni Liam. Nagsabi na din sa akin nang totoo si Liam na muntik na daw siyang magkagusto sa akin. Pero pinigilan niya daw yun dahil mahal niya pa daw si Kim. Masakit para sa akin na sabihin niya sa harap ko na mahal niya pa si Kim.

Minsan nga iniisip ko. Paano kaya kapag ako ang nauna na minahal ni Liam at hindi si Kim. Gagawin din niya kaya ang ginagawa niya ka'y Kim ngayon? Na hahanapin niya ako at ako ang mas kailangan niya at hindi si Kim? Bakit kasi nakilala ko pa si Liam? Bakit kailangan pa'ng may arrange marriage pa kasi edi sana hindi nahulog ang loob ko sa kaniya.

Minsan ang daming tanong na bumabagabag sa isip na kesyo ganito at kesyo ganyan. Minsan papasok sa isip ko si Liam at sasabihin niya na mahal din niya ako. Pero malabo mangyari yun. Mahal na mahal niya si Kim at ayaw niya'ng iwan si Kim. Kahit sabihin niya na hindi na siya babalik ka'y Kim pero nakikita ko pa din sa mga mata niya na mahal na mahal niya pa si Kim.

Kaya nga tinggap ko yun at inisip na si Kim ang original at hindi ako. Si Kim ang importante at hindi ako. Si Kim ang mas mahal niya at hindi ako. Hindi naman ako naghangad na mahalin niya ako. Basta nasa tabi ko lang siya ay masaya na ako. Ang sabi nang Mommy niya kahit ano mangyari ay tuloy pa din ang kasal. Sinabi din yun nang Mommy niya sa kaniya kita ko sa mga mata ni Liam ang lungkot dahil hindi si Kim ang ihaharap niya sa altar kun'di ibang babae at hindi ang babaeng mahal niya.

Aminado naman ako na sasabihin niya na wala na siyang choice kun'di magpakasal sa babaeng hindi niya mahal. Kaya para sa akin ay masakit na nakikita ko si Liam na nalulungkot. Onti onti nang gumagaling si Liam dahil sa pagaalaga na ginagawa ni Kim sa kaniya.

"Kamusta ka na," saad ni Kim ka'y Liam. Ang mga mata ni Liam ay nagliwanag nang magising siya at bumungad sa kaniya si Kim. Pasimple ako'ng tumalikod at pasimpleng nasasaktan nang palihim.

"Okay na ako, ikaw kasi ang nagaalaga." Saad ni Liam. Narinig ko naman na suminghal si Kim.

"U-Um, l-labas muna ako," saad ko dahilan para sa akin mapunta ang atensiyon nila nang humarap ako. Ngumiti si Kima sa akin at dahan dahan naman ako'ng ngumiti. Tumingin pa ako ka'y Liam bago lumabas.

Nang makalabas ako ay umupo lang ako sa labas at hinintay na tatawagin nila ako. Pero para'ng sa tingin ko ay hindi naman nila ako kailangan. Tumayo ako at lumabas na'ng hospital. Nang nasa labas na ako ay sumandal ako sa kotse ko at bahagya'ng yumuko. Namuo ang luha sa mata ko kung paano ko sila makita na masaya. Masaya ako para ka'y Liam at tanggap ko na aatras siya pag dumating na ang oras na'ng kasal. Masaya ako para sa kanila.

Malapit na rin ang engagement party namin at inaasahan ko na aalis siya para puntahan si Kim. Narinig ko kasi sila naguusap kahapon nang umaga bagonako pumasok na tatakas siya sa engagement party para puntahan niya si Kim. Well hindi ko na kailangan masaktan pa dahil alam ko naman na.

The Taste Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon