TTOR: 37: Pretend to be my boyfriend

22 1 0
                                    

MACIE's POV

NATATAKOT ako sa tuwing maririnig ko ang nakakatakot na tunog. Kaya ako napasigaw kanina dahil nagkatitigan kami nang matagal ni Frank. As in matagal. Parehas kasi kami'ng nagkatitigan.

FLASHBACK

Nang palakas na nang palakas ang tunog nang pinapanood namin ay sumisiksik ako sa katawan ni Frank. Si Frank naman akala mo hindi lalaki dahil kung makikita mo ang kaniya'ng mukha daig pa sa akin. Nang may biglang dumaan ay parehas kami'ng napatalon at nahawakan ko ang kaniyang kamay. Napatingin ako sa kamay niya na ngayon ay nakahawak na din sa kamay ko. Dahan dahan kong inangat ang mata ko at tumingin sa kaniya. Napalunok ako nang makita ko na nakatingin na din pala siya sa akin.

Tila'y para'ng may nag spark nang gumalaw ang kamay ni Frank. Kita ko din na napalunok siya at bahagya'ng tumingin sa labi ko. Lumakas ang kabog nang dibdib ko nang magtama ulit ang paningin namin. Ang makakapal niya'ng kilay ang mapupungay niya'ng mata at ang rosy niya'ng labi. Nakakaakit. Ang sarap tignan. Napapalunok akong tuming sa labi niya. Hindi maalis ang paningin ko sa labi niya. Nanunuyot ang lalamunan ko. Sobrang nanunuyot. Kaya ang ginawa ni Frank ay ginulat ako dahilan para sumigaw ako. "Punyeta! Ano ba, Frank!" Sigaw ko sa kaniya. Mabuti na lang at ginulat mo 'ko dahil kung hindi matutunaw ang labi mo.

Napatingin ako sa kanila na ngayon ay masama ang paningin sa akin. Kunwari namang humawak ako sa dibdib ko. Kunwaring masama akong tumingin ka'y Frank at kunwari din siya'ng nagpeace sa akin.

END OF FLASHBACK

Pasimple ako'ng humawak sa kamay ko kung saan hinawakan ni Frank. Nagtataka ako sa sarili ko na bakit sa tuwing makikita ko si Frank ay lumakakas ang kabog nang dibdib ko. At sa tuwing hindi niya ako inaasar ay hinahanap hanap.

Nitong mga nakaraang ko lang napansin ang nararamdaman ko na sa tuwing makikita ko siyang ngingiti ay nanlalambot. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko minsan. Hinahanap hanap ko ang presensya niya at kapag nasa tabi ko na naiilang na ako.

Hindi ko na din alam ang gagawin ko sa tuwing lalapit siya sa akin at sisiksik. Kagaya kanina. Kinabahan ako nang bigla siyang sumiksik sa akin at sinabing gusto niya daw ako katabi. Lumakas ang kabog nang dibdib ko nun at para'ng hindi na ako makahinga pero pinilit ko pa ding magsalita. Naiilang at kinakabahan na din.

Hindi ko nga alam kung may sakit ba ito'ng puso ko dahil sa tuwing lalapit siya ay para'ng kami'ng dalawa na lang ang tao at wala sa paligid. At sa tuwing makikipag usap siya sa akin ay napapatulala ako kaya minsan sinasabihan niya ako nang okay lang daw ba ako dahil basta basta ko na lang kinukurot ang sarili ko.

Hindi naman ako ganito dati na naiilang ako sa tuwing makikita ko si Frank. Meron pa nga nung may lumapit na babae sa kaniya ay umakyat ang dugo pero pinipilit ko lang na hindi magalit. At kapag ngingiti siya sa ibang babae  ay naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko din alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin. Dahil hindi naman ako ganito dati. Hindi naman lumalakas yung tibok na'ng puso ko dati. Pero nang dumating si Frank nagiba na.

Lagi na akong naiilang minsan at kung iisipin ko na ngingiti siya napapangiti na din ako. Hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko. Lagi na lang ako ganito. Lagi na lang namumula. Namumula? Teka? Namumula? Bakit ako mamumula eh si Frank lang yun.

Isipin mo na lang yung lalaki na nangangalang Niel ang pangalan.

Oo tama! Siya. Siya na lang iisipin ko at hindi na 'yang Frank na 'yan. Tss siya 'ata ang papatay sa akin.

---

Sa kalagitnaan na nang panonood ko ay napipikit na ang mata ko. Inaantok na ako. Kaya pinikit ko na lang ang mata ko. Hindi ko malaman kung saan ko ibabaling ang ulo ko sa kanan ba oh sa kaliwa. Kung sa kaliwa naman ay magiinarte si Irene. At kung sa kanan naman aalisin ni Frank ang ulo ko kaya sa gitna ko na lang nilagay. Pero maya maya ay may naramdaman ako na kamay sa gilid na'ng mukha ko. Dahan dahan niya'ng nilagay ang ulo ko sa balikat niya.

The Taste Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon