TTOR: 43: She's gone

23 1 0
                                    

MACIE's POV

"WHERE IS SHE?" Tanong ni Lyli. Agad naman napatayo sila Tito at agad na pumunta sa amin. "Wag kayong magaalala dahil maingat kami'ng lumabas," sambit niya. "Now where's Lliope?" Tanong ulit niya.

"Nasa E.R na siya," kalmado'ng sabi ni Ori.

Kita ko naman kung paano tumalim ang mukha ni Irene ka'y Ori. Shit! This is war!

"Alam mo kasalanan mo kung bakit nadakip si Lliope!" Sigaw ni Irene ka'y Ori. Tumingin naman si Ori sa kaniya na salubong ang kilay.

"Bakit sa tingin mo ba ginusto ko din ang nangyari sa kaniya ha, Irene?" Inis na sabi ni Ori. Hindi naman nagpatinag si Irene.

"Dapat pala hindi ka na lang namin naging kai--"

"Dapat nga, Irene!" Hindi na natapos ni Irene ang sasabihin niya na'ng magsalita si Ori. "Dapat hindi na lang kita nakilala," blanko'ng sabi niya at tumingin sa amin. "Dapat hindi ko na lang kayo nakilala!" Saad niya.

"Ori!" Tawag sa kaniya ni Frank.

"Bakit totoo naman ah! Dapat nga hindi ko na lang kayo nakilala!" Sigaw sa amin ni Ori. Napalunok kami maski sila Kuya Chase dahil galit na galit si Ori. "Alam mo tinuring kitang kapatid pero eto ang sasabihin mo sa akin? Ha! 'Wag kang magalala dahil hinding hindi na kita kakausapin at magpanggap ka oh ako na hindi mo ko oh ikaw na nakilala eto naman gusto mo diba? Ngayon ibibigay ko ang gusto mo. Madali akong kausapin, Irene. Kung ayaw sa akin nang tao, ayoko din sa kaniya." Saad niya at binangga niya sa balikat si Irene. Tinawag namin siya pero hindi na siya lumingon man lang. Ramdam ko ang lungkot nang lahat maski ako.

Ito na ang pinakakatakutan ko!

"Bakit mo naman nasabi iyon?" Napatingin kami'ng lahat ka'y Kuya Chase nang magsalita siya. Imbis na sumagot ay yumuko na lang si Irene at hindi na nagsalita. "Ginagawa niya ang lahat para hindi lang kayo mapahamak ta's iyon yung sasabihin mo?" Taas kilay na sabi ni Kuya Chase. Napalunok naman kami dahil ngayon lang namin nakita si Kuya Chase na ganyan. Kapag naman magagalit siya hindi siya yung para'ng sasabog. Pero iba ngayon yung Kuya Chase na nasa harapan namin. "Humingi ka na'ng tawad bago pa mahuli ang lahat," malamig na sabi ni Kuya Chase. Napatingin naman kami ka'y Ate Kyomi na ngayon ay nakangising nakatingin kay Irene.

Tinalikuran na siya ni Kuya Chase at umupo na lang. Napatingin ako ka'y Ate Kyomi na ngayon ay nilapitan si Irene at bahagyang bumulong. Kita ko naman kung paano napalunok si Irene. Ngumisi na lang si Kyomi at tinap ang balikat ni Irene.

Sa totoo lang gusto ko din naman magalit kay Ori pero alam ko na para sa amin ang ginagawa niya. Upang hindi kami mapahamak. Dalawang araw na kami'ng hindi nakakapasok kaya hindi na ako nagtataka kung ano ang dahilan. Lahat kami ay takot na mamatay kaya sa nangyari pa nga lang kay Lliope ay kinikilibutan na ako. Huminga na lang ako na'ng malalim at tumabi ka'y Lyli. Tinawagan na din ni Sofia ang mga magulang ni Lliope.

*KATAHIMIKAN*

Lahat kami ay nanahimik at walang balak na sumagot. Nakakabingi at ang tanging maririnig mo lang ay ang mga tao na naglalakad. Napahawak ako sa ulo ko. Naguumpisa pa lang nang kanilang laban pero para'ng ako ang nasa labanan nila. Ako pa ang mas kinakabahan na tila'y ako ang susugod sa kanila para patayin sila isa isa.

Napahilot ko na lang ang ulo ko dahil sa gulo nang nararamdaman. Hindi ko malaman kung hanggang saan aabot ito. Sana wag na'ng tumagal ang ganito'ng sitwasyon. Sana makabalik na kami sa normal. Ang hirap kapag ganito ang pinagdadaanan namin. Masyado'ng mabigat sa dibdib.

The Taste Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon