TTOR: 29: Paalam

36 1 0
                                    

IRENE's POV

TUMULO na naman ang mga luha sa mata ko. Dapat okay na ako diba? Kasi nagparaya na ako pero bakit ang sakit pa din. Dapat nga matuwa ako dahil magiging masaya na sila matutupad na ang gusto ni Liam. Humigpit ang kapit ko sa laylayan na'ng damit ni Lance. Umiyak lang ako sa dibdib niya habang siya ay pinapanood kung paano maghalikan sila Liam at Kim.

Kumirot ang puso ko at hindi kayang tignan sila. Naaawa na ako sa sarili ko. Pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa taong hindi kayang mahalin ako. Tuluyan na akong humagulgol sa dibdib ni Lance. Hinagod hagod niya ang likod ko at bahagya'ng tumingin sa kaniya. Salubong ang kilay niya habang nakatingin sa kanilang dalawa. Pero kita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya sa nakikita niya ngayon.

"Lance." Rinig ko na tawag ni Liam. Kahit hindi ako lumingon ay nararamdaman ko ang gulat s kaniya. "I-Irene," mahinang tawag niya sa akin. Hinigpitan ni Lance ang pagkapit sa balikat ko habang umiiyak ako sa dibdib niya.

"Hindi na ako na gulat na eto ang madadatnan ko, Liam." Napatingin ako ka'y Lance na'ng hindi niya tinawag na Kuya si Liam. Tumingin siya saglit sa akin at kita ko sa mga mata niya ang pagaalala. "Sana naman naglock kayo nang pinto diba?" Galit na sabi niya.

"I-Irene." Bahagya'ng hinatak ako ni Lance na'ng tawagin ni Liam ang pangalan ko.

"Wag mong babalakin na lumapit, Liam. Dahil hindi ako magdadalawang isip na sapakin ka kahit ganyan ang kalagayan mo." Pagbabanta ni Lance sa kapatid. Pumikit ako at huminga nang malalim.

Ang sakit. Bakit kailangan ko'ng maramdaman ito? Ganito ba pag nagmahal ka nang husto? Kailangan mo munang masaktan bago ka makarecover?

Tumutulo pa din ang luha sa mga mata ko ang sakit na masaksihan ko sila na gano'n. Kala ko okay na ako kala ko tanggap ko na. Napatingin ako ka'y Lance na'ng hawakan niya ang kamay ko at hinatak ako papalayo. "Irene!" Tawag pa sa akin ni Liam pero hindi ko na siya binalak na lumingon pa sa kaniya.

Nang makarating kami sa parking lot ay dumeretsyo niya ako sa kotse niya. Binawi ko ang kamay ko dahilan para mapatingin siya sa akin. "Halika na," sabi niya tumingin ako sa kaniya na may pagtataka.

"Hindi ako sasama sayo." Saad ko. Napaharap naman siya sa akin at kinunot ang noo.

"Ano?" Tanong niya. Salubong ang kilay ko na tumingin sa kaniya.

"Kakakilala pa lang natin, Lance. Kaya ang sabi ko hindi ako sasama sayo!" Sigaw ko at naglakad papunta'ng kotse ko. Binuksan ko ito at papasok na sana na'ng hatakin niya ang braso ko. "Ano ba--" naputol ang sasabihin ko na'ng makita ko siya sa harapan ko. "L-Liam." Utal na sabi ko. Tumingin ako sa mga kamay niya na nagdudugo. Bigla ako'ng kinabahan at tumingin sa mga mata niya. "L-Liam, y-yung kamay mo.." saad ko. "Oh." Sabi ko nang bigla niya akong hinatak at niyakap. Bumilis ang tibok na'ng puso ko at para'ng ayaw tanggapin ang nangyayari.

"Sorry," saad niya. Kukurap kurap lang ako at the same time kinakabahan. "Sorry." Sabi niya ulit. Namuo na naman ang mga luha sa mata ko. 'Bakit mo ginagawa 'to, Liam?' Gusto ko siyang itulak pero hindi ko 'man lang nagawa. Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Siya na ang bumitaw sa pagkakayakap naming dalawa at tumingin sa mga mata ko. "I'm sorry, sorry kung hindi ko man lang magawa na mahalin ka. Mahal ko si Kim, Irene. Siya lang ang babaeng mahal ko. I'm sorry kung hindi ko nabigay ang pagmamahal na ginagawa mo sa akin." Kumuyom ang kamao ko at matalim siyang tinignan.

The Taste Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon