TTOR: 26: Can I court you?

39 1 0
                                    

ORI's POV

"DOCTOR, LYNCH. Aba pwede na!" Natatawang sabi ni Irene. Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Tapos si Theo ay Nurse--"

"Hindi yun ang pangarap ko," sabat ni Theo. Magsasalita na sana si Irene na'ng pumasok si Francis.

"Hi," saad niya sa akin. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Hi.." saad ko din sa kaniya. Pinausog niya si Theo at tumabi sa akin. "How's your day?" Nakangiting tanong ko.

"Boring, because you are not there.." nakapout na sabi niya. Napangiti naman ako sa reaksiyon nang mukha niya.

"You're here now," malamanay na sabi ko. Ngumiti siya sa akin at tumingin sa mga kaibigan ko. "Pinapunta ko sila dito kasi may gagawin kami." Saad ko. Tumingin naman siya sa akin. Kita ko sa mga mata niya ang pagaalala.

"How are you? Are sick?" Tanong niya at hinawakan ang noo ko. Napangiti naman ako.

"I'm fine, I'm no longer sick."

"Are you sure?"

"Francis, I'm fine. Okay? I'm fine," sabi ko. Huminga na lang siya na'ng malalim at hinawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako ka'y Theo na ngayon ay nakatingin sa kamay naming magkahawak.

"Ano ba gagawin niyo?" Tanong ni Francis sa kanila.

Magsasalita na sana si Irene na'ng dumating si Lyli. Tumingin lang ako sa kaniya na wala'ng reaksiyon. Hindi ko pa din nakakalimutan yung ginawa niya sa akin. Tumingin siya sa akin at ngumiti pero hindi ko siya ginantihan. "I'm sorry na late ako," saad niya. Tumabi siya ka'y Irene na ngayon ay nakatingin pa din sa kaniya. Iniwas ko na ang paningin ko sa kaniya at binaling na lang sa kasama.

"Actually, acting yung sa amin." Saad ni Irene. Napakunot naman nang noo si Francis at bahagya'ng tumingin sa akin. Tumingin ulit siya ka'y Irene at nakinig. "Love triangle ang gagawin namin," dagdag niya pa.

"Love triangle? Sino naman ang gagawa nuon?" Tanong ni Francis. Bahagya naman lumunok si Irene at tumingin nang deretsyo ka'y Francis.

"Si Ori, Theo at Frank." Saad niya. Naramdaman ko naman na hinigpitan ni Francis ang kamay ko na nakahawak pa din sa kamay niya. Napatingin ako sa kamay naming nang bahagya niya ito'ng hinimas. Nang hindi makakuha nang sagot si Irene ka'y Francis ay pinagpatuloy niya ang pagpaoakiwanag. "Kapatid ako ni Frank at si Lyli naman boyfriend niya si Theo." Tatango tango naman tinignan siya ni Francis.

"I see," saad ni Francis. Tumingin siya sa akin at tumingin din ako sa kaniya. "Free ka ba mamaya?" Tanong niya. Napakunot naman ang noo at tumingin na nagtataka sa kaniya.

"Oo, wala naman akong gagawin mamaya pagkatapos namin magpractice," saad ko. Napangiti siya at ginulo niya ang buhok ko. "Yah!" Saad ko at hinawakan ang kamay niya. Napatawa naman siya at binaba na niya ang kamay niya.

"Perfect, I'll pick you up at 1 o'clock, bye." Saad niya at tumayo na. Lumabas na siya na'ng bahay at narinig ko na umandar na kotse niya.

Tumingin ako sa kanila na ngayon ay sa akin sila nakatingin. Napakunot naman ang noo ko at tinignan sila na'ng nagtatanong. "What?" Saad ko. Tumayo si Irene at lumapit sa akin. Tumabi siya sa akin at inakbayan ako.

"Boyfriend mo?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Salubong ang kilay na tumingin ako sa kaniya.

"Bakit?"

The Taste Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon