TTOR: 35: Imagination

15 1 0
                                    

MACIE's POV

"TEKA! Si Irene ba yun?" Napatingin kami nang magsalita si Lliope na nakita niya daw si Irene. Agad agad naman kami'ng tumingin sa tinuro niya. "May kasama siya'ng lalaki," sambit ni Lliope. Sinuri ko naman ang lalaking kasama niya at napagtanto ko na si Lance. "Sino yung kasama niya?" Tanong ni Lliope.

"Si Lance ang kasama niya," sambit ko. Napatingin naman silang dalawa sa akin na may kunot na noo.

"Ba't mo alam?" Tanong ni Sofia. Napatingin naman ako sa kaniya na may ngiti.

"Halata naman sa likod niya," saad ko. Napatingin naman sila kila Lance.

"Eh, si Liam yun oh," nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Sofia. Napatingin ako sa tinuro ni Sofia.

Oh shit!

Totoo nga!

Pero bakit siya nakatingin kila Irene at Lance? Hindi kaya nagseselos siya? At bakit naman siya magseselos? Imposible naman na magselos siya. Una sa lahat ka'y Kim lang ang puso niya. Bakit naman siya mag seselos? Tss. Napansin ko lang. Bakit hindi niya kasama si Kim?

Hayy! Bakit ko ba sila pinoproblema?

Pero sa totoo lang. Alam na namin na bumalik ma ang memoriya ni Irene. Pati na si Lance. Si Liam na lang ang hindi dahil ayaw niya'ng ipaalam ka'y Liam na nabalik na ang memoriya niya.

Tss, kahit ako naman ay hindi ko sasabihin sa kaniya na nakabalik na ang memory ko. Duh--

"Earth of Macie!" Nabalik ako sa reyalidad nang bigla akong sigawa ni Sofia sa tenga. Inis naman akong lumingon sa kaniya.

"Ano ba!" Saad ko. Napatawa naman siya at tumabi ka'y Lliope.

"Kanina ka pa namin kinakausap pero wala kang respond. Ano teh nganga?" Saad ni Lliope. Napairap naman ako at tumingin kila Irene.

"Ano ba sinasabi niyo?" Tanong ko. Tumingin ako sa kanila na ngayon ay nakacross arm.

"Ang sabi namin, pupunta kami ka'y Irene." Saad ni Lliope.

"Tss, iistorbohin natin ang pagdadate nang dalawa? Okay ka lang?" Mataray na sabi ko.

"Oo," maarteng sabi ni Sofia. Napairap naman ako sa kaartehan niya.

"Kayo na lang dalawa. Kung gusto niyo mangistorbo wag niyo ko isasama," saad ko. Inirapan naman nila ako at kunot noo na tinignan.

"Ang arte mo naman," --Sofia.

"Tss," saad ko at tumalikod na. Mangiistorbo lang naman kayo. Kaya mag mabuti na yung uuwi na lang ako.

Ayoko nangiistorbo nang tao na nagdadate naiinis ako. Ewan ko kung bakit. Umiinit ang dugo ko sa tuwing may nakikita akong nagdadate. Kagaya na lang nila Irene at Lance. Ewan ko kung bakit nainggit ako. Wala pa kasi akong experience sa love. Kaya kapag may nakikita akong nagdadate kumukulo talaga ang dugo. *Bitter*

Palabas na ako nang mall nang may nakabangga akong lalaki. "I'm sorry," saad niya. Napahinto naman ako at tumingin sa nakabangga ko. Hindi ko masyado nakita ang mukha niya pero base sa buhok niya. Medyo kulot at mahaba. Napataas ang dalawang kilay ko na'ng humarap siya. Teka? Para'ng may kamuha siya! Sinuri ko ang mukha niya. Para'ng.... Para'ng kamukha niya yung sa SHINee na boy group? Bumilis ang tibok na'ng puso ko na'ng magtama ang paningin namin.

The Taste Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon