MACIE's POV
"PA'NO ka naman nakakasigurado?"
Nanlaki ang mga mata namin at dahan dahan na tumingin sa likod ni Irene. Dahan dahan din tumingin si Irene sa likod niya.
'Si Liam,'
Ang nagiisang kilala sa buong Korea ay andidito at nakatayo sa harap ni Irene habang nakangiti. Pasimple naman ako'ng tumingin ka'y Ori na ngayon ay gulat din na makita si Liam.
"Mukhang hindi ka masaya na nakita mo 'ko ha?" Nakangiting sabi niya.
"L-Liam," tawag ni Irene sa pangalan niya. Bahagya naman siya'ng ngumiti.
"Ako nga," saad niya nakangiti siya'ng kumuha na'ng upuan at tumabi ka'y Irene. Hindi pa din ako makapaniwala na andidito ang isa'ng the great Liam Jung Javier.
Tumingin siya ka'y Irene na may ngiti sa labi. Halos lahat na'ng mga student dito sa Korea ay nakatingin na sa kanilang dalawa. Meron pa nga na kinikilig na makita si Liam.
'Hayyyy ibang iba ang tensyon sa pagitan nila'ng dalawa?'
Bahagya'ng pumikit si Irene at tumingin ka'y Liam.
"Hi!" Magalang na sabi niya. Ngumiti naman kami lalo na ko at kahit na tahimik ay pinilit nila na magingay.
Tumingin ulit ako sa kanila na ngayon ay naguusap na sila'ng dalawa. "Bakit nakasuot ka na'ng uniform?" Bulong na sabi niya pero rinig namin.
"Kasi dito na ako magaara--"
"ANO!?" Sigaw naming lahat bahagya naman siya'ng tumango si Liam at ngumiti.
"H-Hindi naman 'ata labag sa kalooban mo na p-pumasok sa eskwelahan na 'to?" Sulpot ni Lyli sa usapan nila'ng dalawa.
Umiling naman si Liam at sumagot. "Bakit magiging labag? Kung kasama ko naman ang magiging fiance ko?" Saad niya napansin ko na napakunot na'ng noo si Irene at bahagya'ng pumikit. "Bakit? Masama ba?" Napadilat naman si Irene at tumingin ka'y Liam.
"A-Ah, k-kung hindi naman l-labag sa kalooban mo o-okay lang," saad ko. Tumingin ako sa kaniya at hinintay ang sasabihin niya.
Susubo na sana si Irene na'ng pagkain na'ng hawakan ni Liam ang kamay niya. "L-Liam, ano b-ba?"
"Tara," saad niya at agad na hinatak si Irene
"T-Tek--" hindi na natuloy ang sasabihin ni Irene na'ng tuluyan na siya'ng hatakin.
Na'ng makita ko na nakaalis na sila ay nakahinga na kami na'ng maluwag. Pero ramdam pa din namin ang tensyon si Xyder. Bahagya ko siya'ng sinulyapan at napatingin ako sa mga kamay niya. Kumuyom na'ng bahagya ang kamay niya at tumayo. Tinawag pa siya ni Gab at Theo pero hindi siya lumingon man lang.
"Ano'ng problema niya?" Tanong ni Frank. Nagkibit balikat naman kami at nagtuloy na lang sa pagkain.
"Yah! Wanna die!" Saad ni Lyli dahil inaasar na naman siya na maliit na'ng makarating na kami sa room.
"Hahahaha! Oo na, oo na! Malaki lang kami kaya parang sinasabi namin na 'maliit' ka hahahaha!" Saad ni Theo. Napatawa naman sila at inis na humarap sa akin si Lyli.
Napangiti naman ako sa inasal niya. "Yah! Why are you smiling! Oh?" Sigaw niya sa akin. Bahagya ko naman ginulo ang buhok niya at pinatabi ko siya sa kaliwa ko kung saan nakaupo si Irene.
BINABASA MO ANG
The Taste Of Revenge
RomansIsang babae na gusto'ng makamit ang hustisya dahil sa pagpatay sa kaniya'ng ina. Ina na siya lang nakakapagbigay na'ng ligaya. At ngayon na wala na ang kaniya'ng ina. Possible ba na may magbago simula na mawala ang kaniya'ng ina? Simula na mapatay a...