KYOMI's POV
(Monday)"COME IN!" Sigaw ko na'ng may bahagya'ng kumatok sa pinto na'ng office ko.
"Ma'am Kyomi ipinamimigay daw po ito ni Sir Niel," saad ni Hillary isa sa mga secretary ko.
Si Niel or Sir Niel ay isa sa mga boss namin. Anak siya nang kaibigan ni Daddy. Minsan nga pumupunta ang Daddy ni Neil para kamustahin ako. Dati itong kumpanya ni Daddy na ibinigay sa akin. Si Neil naman ay siya ang C.E.O si Daddy ang nagdesisyon. Matagal na kasi si Niel dito siguro mahigit dalawa'ng tao na.
"Ano naman 'yan?" Tanong ko. Ibiiniba niya ang mga papeles na nakalagay sa para'ng folder.
"Sa iyo ko po daw ibigay ang mga magaaply na trabaho sa susunod na araw," napataas naman ang isang kilay ko at binitawan ang ballpen na hawak ko. Nilagay ko naman ang siko ko sa table ko at tinignan ko siya.
Napakunot ako. "Bakit hindi siya ang gumawa?" Salubong na kilay ang sabi ko.
"Ang sabi po ni Sir Niel sayo ko daw po ibigay,"
"Oo nga, bakit hindi siya ang gumawa? Ako ang boss at siya ang C.E.O, ibigay mo sa kaniya at sabihin mo siya ang gumawa. Oh baka naman ikaw ang gumawa lahat niyan." Saad ko. Bahagya naman ako'ng sumandal sa upuan ko habang magkacross ang mga binti ko.
"Masusunod po," saad niya sabay yuko. Dali dali na siyang lumabas na'ng pinto at napapailing na pinagpatuloy ang ginagawa.
*KRIIIIIINNNNNNGGGGGG*
Nasa kalagitnaan ako na'ng pagtatrabaho nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko muna kung sino ang tumatawag. Literal na napangiti ako nang makita ko ang pangalan ni Loui.
Napapangiti ko ito'ng sinagot. "Yes?" Nakangiting sabi ko.
"Are you busy?" Tanong niya.
"Slight.." hindi mawala ang ngiti sa labi ko sa tuwing tumatawag si Loui.
Loui is my soon to be my boyfriend alam nila Mommy ang tungkol sa pangliligaw ni Loui. Lagi nga sinasabi ni Mommy na sagutin ko na daw si Loui dahil three years na siyang nanliligaw sa akin.
"Pwede pa akong pumunta d'yan?"
"Why?"
"Nothing, miss lang kita."
"Hahaha you're so corny." Pakipot na sabi ko.
"Hahahaha you're so cute,"
"Yeah I know that.." kinikilig na sabi ko. Narinig ko din na tumawa. Sa tuwing naririnig ko ang boses ni Loui ay kinikilig ako.
Nung elementary pa kasi kami ay baliw na baliw ako sa kaniya hanggang mag high school. Nawala lang yun nung lumipad sila papuntang America. Duon niya pinagpatuloy ang pagcocollege niya. At ngayon isa na siyang doctor. Kaya nung muling nagkita kami naging magkaibigan kami. Lagi siya'ng nasa tabi ko pag malungkot ako. Minsan nga dinadalhan niya ako na'ng food pag nasa work ako. Si Hillary ang tumatanggap at binibigay niya sa akin.
Kung minsan naman niyayaya niya akong magdate kami. Yun pala duon na niya ako balak na ligawan. He confess his feelings for me. Sinabi din niya na pwede ba daw siya mangligaw pinayagan ko naman. Kaya hanggang ngayon nanliligaw pa din siya. Lagi kong sinasabi sa kaniya na I'm not ready for relationship. Hindi pa ako handa na pumasok sa isang relasyon. Pero ang sabi niya ay okay lang daw maghihintay naman daw siya hanggang sa ready na ako.
BINABASA MO ANG
The Taste Of Revenge
RomanceIsang babae na gusto'ng makamit ang hustisya dahil sa pagpatay sa kaniya'ng ina. Ina na siya lang nakakapagbigay na'ng ligaya. At ngayon na wala na ang kaniya'ng ina. Possible ba na may magbago simula na mawala ang kaniya'ng ina? Simula na mapatay a...