Prologue

2.5K 63 4
                                    

MNL University....

Nagsimula ang lahat nang makatanggap ang tinagurian na 'invisible' na istudyante ng isang letter.At hindi lamang isang simpleng letter dahil ito ay color black at isa lang ang ibig sabihin.

Isang grupo lang naman ang maaaring gumawa ng ganito.

"Ang Street Gang."bulong sa hangin ng nakatanggap at kumunot ang noo.

(Binubuo ng maraming miyembro mula sa loob at labas ng campus.Pero ang pinaka pinuno ay tatlo, si Gia Lee[mas gusto n'ya ang Glee], Abby Trinidad[mas kilala bilang 'A'], at ang alas ng gang na si Gabb Skribikin[a.k.a Gabbo]).

"Ano bang trip nila?Hays."naiinis na sabi ng dalaga at walang ganang pinunit ang letter sa gitna.Sa ginawa n'ya ay may bumuhos na itim na buhangin na laman ng black letter kanina.

Lumuhod s'ya para dakutin ang buhangin at tumayo muli.

"Ano naman ito?Pulbura?"nagtatakang sabi ng dalaga.Hindi niya napansin na kanina pa nakatayo sa likod n'ya ang tao na naglagay.

Nagulat s'ya at napatalon nang magsalita ito mula sa kanyang likuran.

"Black sign iyan."sabi ng tao na malalim ang boses at naka-ngisi habang nakatayo sa kanyang likuran.

Tumalikod ang dalaga upang makita ang nagsalita.

"Anong black sign?"nagtatakang wika ng dalaga na bahagyang nabigla nang makita kung sino ito.Ang walang kasing angas na hearthrob ng campus at ang leader ng Street Gang.

Kinamumuhian ito ng dalaga dahil sa mga nakikita nitong mga masasamang gawain ni Gabb.Gaya ng pagpapahiya sa ibang mga istudyante at ang pagbabastos sa mga teachers.Si Gabb at ang gang nito ay ang no.1 enemy ng lahat sa campus.Marami ang namumuhi pero mas marami parin ang nabibilib dahil sa tingin nila ay astig at cool ang ginagawa nila Gabb.Sabagay ay natatakpan ng kanilang kayamanan at kasikatan ang kanilang masasamang ginagawa.

Humakbang palapit si Gabb sa dalaga at sumagot."Ibig sabihin ay pinapalayas na kita dito sa school."nakangisi parin s'ya at nag-uumapaw sa kayabangan.

Hindi natinag ang dalaga sa narinig.Kundi ay tumayo ng tuwid at pinakita ang matapang nitong mukha na mala tigre."Kaya mo?"panghahamon nito.

Ngumiti si Gabb at sumagot."Oo naman."maangas na sabi n'ya at nakipag eye-to-eye sa dalaga na hindi nakatagal at ang unang umiwas ng tingin.

"Hindi mo iyan magagawa, Gabb."nagpipigil ng galit ang dalaga dahil alam n'yang mali ang pumatol sa katulad ni Gabb.Masyadong madaya at mapusok kung maglaro.

"Nagkakamali ka."dagdag pa ni Gabb"Kaya ko at magagawa ko."ngumisi s'ya sa kaharap na dalaga at tumalikod.

Dahil dun ay nagkaroon ng tapang na magtaas ng ulo ang dalaga at nagsalita.

"Anong ginawa kong mali sa'yo?Bakit ba napansin mo pa ako?Wala ka talagang magawa at ako naman ang pinagtitripan mo!"sambit ng dalaga at muling bumaba ang tingin sa sahig, nakayukom ang mga kamay.Nalilito s'ya dahil nananahimik lang naman s'ya at nag-aaral ng mabuti.'Yun lang naman pero nagawa parin s'yang pansinin ng walang puso na katulad ni Gabb.Na isang tipo ng tao na hindi mo gugustuhin na kalabanin.Malakas at maimpluwens'yang tao.

"Basta naiinis ako sa'yo!Kumukulo ang dugo ko kapag nakikita kita.Nangangati ang kamay ko at gusto kang sapakin.Hindi mo ako kilala kaya mas Mabuti kung umalis ka na agad."madilim na sabi ni Gabb na nakatalikod sa kanya.

Playing the Bad boy's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon