Kabanata 1
Handshake
Ngayon ang orientation namin para sa organization ng course. Napagkasunduan namin ni Lucy na magkita na lang sa theater kung saan gaganapin ang event para ay diretso na at hindi na kami makapagsayang ng oras. Kinakabahan ako dahil palagi pa naman late yung babaeng 'yun, wala pa naman akong kakilala.
Nasa mall ako malapit sa university. Ito na ata ang isa sa magandang nangyare sa paglipat ko. Madali lang kasi ang mga sakayan dito at may mall pa na pwedeng mabilhan ng mga gamit dahil walking distance lang. Dumiretso ako sa isang kilalang bookstore para mag hanap ng mga pwedeng magamit bukas sa pasukan. Kakaunti lamang ang tao kaya madaling gumalaw. Katulad noong first year ako, bumili lang ako ng binder at ilan pang ballpen. Dinalawa ko na ang itim dahil palagi kong nawawala iyon.
It is almost 12 noon. Magsisimula ang event mamayang ala una kaya dumiretso na agad ako sa cashier para magbayad. Kahit na may sobra pa akong oras, ayoko maging kompyansa. Mamaya ay makalimutan ko ang oras at malate pa 'ko, e.
Dumaan ako saglit sa paborito kong shop na nagtitinda ng iba't ibang uri ng papel na recycled. Kulay brown ang mga iyon kaya gustong-gusto ko.
I bought three notebooks from the shop and went to the coffee shop in front of it to buy an iced coffee.
Hawak-hawak ko sa aking kamay ang kape at ang paper bag laman ang mga pinamili kong puro papel. Wala naman akong sinusulat sa mga 'yun pero nakakatuwa talaga tuwing nakikita ko sa table ko sa kwarto.
While walking, my phone beeped and it is a message from Lucy.
Lucy:
Lia! Mal-late ako ng mga five minutes. Save me a seat, please!
Napairap na lang ako sa kawalan. Sabi ko na't mal-late na naman ang isang 'to. Dumiretso na lang ako ng lakad papunta sa university. I can't believe that I really did transfer and shift. I was scared when I told Lucy about my plan. There are a lot of things to consider at kasama na roon ang pinansyal at ang kakayahan ko. Hindi naman kasi kami mayaman kaya medyo nahirapan din ako.
When I entered ST building ay dumaan ako sa gilid kung saan nandoon ang botanical garden. Pwede ko naman diretsuhin doon sa may hagdan kaso ang daming studyante at mas mapayapa dito. May mga nag-aaral at may ibang natutulog sa mga table na nasa gitna ng garden kung saan nagsisilbing lounging area.
Habang tahimik na nakatingin sa garden ay mag biglang nag salita sa gilid ko. I can't clearly see who it is because the light of the sun is affecting my sight. Noong luminaw ay kinabahan ako nang nalaman kung sino 'yun.
''You are heading to the orientation?'' malalim niyang tanong. Ang lalaking nasa harapan ko ay ang lalaki na naabutan kong nasa Social Science Department. Yung masungit. Nakasuot siya ng puting long sleeves na nakatupi ang manggas hanggang siko at naka tuck-in ang dulong parte. He's also wearing slacks and a black leather shoes. On his right arm is a silver wrist watch. May suot pa rin siyang itim na salamin.
Walang nag bago sa itsura niya pwera na lang sa bagong gupit niyang buhok. Mas nadepina ang tulis ng panga niya. I can't elude the fact that he's handsome. Makisig at ang presensya pa lamang niya ay nakakapagpakaba na sa akin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at sinagot siya.
''Uhh.. oo. Marami bang pupunta? Wala pa kasi yung kaibigan ko..'' sagot ko sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako ngayon na nandyan siya. Pangalawang beses pa lang ito na nakita ko siya pero iba na sa pakiramdam ko. His presence is intimidating. He's handsome, too. Hindi ako makapag-isip nang tama.
''Yes," malalim at pormal niyang sagot.
Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Tanungin ko ba siya kung anong pangalan niya? O alamin manlang kung bakit sobrang pormal niya manamit? Hindi kaya't masyadong personal?
BINABASA MO ANG
Beyond His Caution (Lost and Retained #1)
RomanceLiana Dignity, the first child and shock obsorber of the family, had to take the risk of accepting the proposition of someone important to her. She would gain something, but will also lose someone. Is the feelings she have for the one she love an en...
