Kabanata 4
Call me
Lumipas ang mga araw at linggo at gano'n pa rin ang karaniwang ginagawa namin. Magbasa ng readings, recit, at minsan ay gumagala sa Manila. Maayos ang sagot ni Lucy sa recit niya sa FPS nang dumaan ang sumunod na meeting. Kahit na medyo nahirapan siya sa pangalawang tanong ni Sir Bads, halata pa rin na nagustuhan nito ang sagot niya.
Tatlong linggo na rin simula nang mag bukas ang klase at masasabi kong maayos ang pamamalakad dito. I'm starting to get used to praying every 12 noon because of the Angelus. Mahirap din ang mga quiz madalas dahil puro essay iyon. Nasasanay na rin ako sa byahe at na realize kong mas maayos umuwi kung MRT o LRT ang gamit. Traffic na rin kasi tuwing uwian saka wala namang susundo sa akin. Ang mga sasakyan kasi ay gamit sa pang pasada ng mga taxi.
I am now wearing a white plain v-neck t-shirt with a black high waisted hip goddess trousers. Just a simple outfit for a simple event, I guess.
Nasa Tim Hortons ako't hinihintay ulit si Lucy. Ang amoy ng kape sa cashier ay kumakalat sa buong lugar. May dalawang pintuan ang cafe. The first one is on the right side while the main door is near the cashier. May nagbabantay na security guard sa bawat pinto. Just like the usual, I ordered an iced coffee.
Today is our supposed Madayaw. Isa itong event kada taon kung saan tinatatakan ang suot na top ng mga freshmen and transferee. This signifies that we are officially a student of the school. May concert din pagkatapos.
Ang buhok ko ay naka simpleng lugay lang. Nakaupo ako mag-isa sa couch na pang dalawahan sa gilid ng cashier kung saan binibigay ang mga order. Tumitingin-tingin ako sa bintana para naman makatayo agad kung makita si Lucy.
''Hmm?'' I looked around.
I saw people who I don't expect, though. Nagtatawanan na dumaan si Victor Antonio at si Kia. Ang dalawa ay parehas na may dalang boxes ng pizza galing sa isang kilalang tindahan at mukhang pabalik na sa school.
Iniwas ko ang tingin ko. I know. He's just really friendly. I'm assuming things and its not healthy. Maaaring mabait siya sa akin dahil bago pa lamang kami sa university at wala pang nakikilala masyado.
That's it. I need to bury my delusional thinking and focus on my studies instead. Kumikirot nang kaunti ang puso ko dahil alam ko sa sarili ko na natutuwa ako tuwing binibigyan niya ako ng atensyon.
Lucy came and we went to falcon bridge together. Doon kasi assigned ang Political Science. Makikisabay lang kami ni Lucy sa mga kablock namin pang first year. Mahaba na ang pila at maingay ang paligid.
''Sorry, Lia babe! I'm late ulit!'' She kissed my cheek. ''Kanina ka pa naghihintay?''
''Medyo.''
''Aw. Sorry talaga! Late na kasi akong sinabihan ng bwisit na si Kuya Ismael na wala pala kaming driver! E', bawal siya kasi sasamahan niya raw si Daddy sa firm. Si Kuya Roman, alam mo na.'' Nagkibitbalikat siya.
''Ayos lang. Uh, hindi naman problema. Didiretso na ba tayo sa falcons bridge o.. may dadaanan ka?''
''Walang training ngayon sina Jarrell kaya let's go! Wooh! Party, here we are!''
Pumikit ako dahil sa lakas ng boses niya. Kung tutuusin, pwede naman kaming hindi um-attend dahil second year na kami. Gusto lang talaga maranasan ni Lucy at buti na lang din ay pwede kami dahil transferee. Attending this is only a formality and a memory to remember.
My friend, Lucy, is busy talking to Cyrille. Isang ka-blockmate namin iyon sa FPS at parehas silang baliw sa mga basketball player.
Nilalasap ko na lamang ang baho ng ilog dito sa falcons bridge. Hindi naman kasi ako masyadong nanonood ng sports games kaya hindi rin ako makasali sa kanila.
BINABASA MO ANG
Beyond His Caution (Lost and Retained #1)
RomanceLiana Dignity, the first child and shock obsorber of the family, had to take the risk of accepting the proposition of someone important to her. She would gain something, but will also lose someone. Is the feelings she have for the one she love an en...
