Kabanata 37

2.5K 62 30
                                        

Kabanata 37

My dearest



The night ended peacefully. Hindi ko alam kung bakit pero tila nawalan ako ng tinik sa lalamunan. Everything felt light and peaceful. Gumaan ang pakiramdam ko at parang may mabigat na bagay ang nawala sa akin.

I got to talk to more people. Napagtanto ko na ang isa sa pinakapinoproblema nila ay ang pangkabuhayan at pag-aaral ng mga anak. Karamihan sa kanila ay kontraktwal at ilang buwan lang pwede manatili sa pinagtatrabahuhan. Whats worst is they have no benefits to get. Tanging pera lang na kayang pagkasyahin sa araw.

I don't know how to respond, honestly. If I can help, then, I will. Ngunit nagsisimula pa lang din ako. Mabuti na lang at nando'n sina Roman para sabihin kung ano ba ang balak nila sa ganoong sistema.

Contractualization have been an issue since then but the system can't seem to notice that. Sana kung palarin man si Roman ay may magawa sila para roon. Kahit manlang para rito lang sa lugar nila.

Bago kami umalis ay hiningi ko kay Nanay ang numero niya. Mahal at mahirap magpa dialysis ngayin kaya't kahit manlang sa paraang ito ay makatulong ako.

Hindi ko rin binigay ang numero ko kay Toran. I don't know if he deleted my old number but I'm still using it. Hindi ko naman binago. I did not receive any message from him so..

Days and weeks passed like a wind. Mas naging abala ang lahat sa kampanya. May mga araw na hindi ako nakasama dahil sa pagod at sakit. Nararamdaman ko na na sumusuko ang katawan ko kaya't may mga araw na pinipili kong magpahinga.

''Hindi ka aalis ngayon?'' tanong ni Papa iyon.

Nakaputing sando lang siya at pantalon.

Nasa harap kami ng mesa at mag-uumpisa pa lang mag agahan. Mataas na ang sinag ng araw at mainit ang kumakapit sa balat ko. Adrian and Kobe went out. Parehas na nasa trabaho kaya't kami lang ni Papa.

Nakaputing loose shirt lang ako at shorts para sa isang ordinaryong araw. Dito muna ako sa bahay at baka magbasa-basa muna.

''Hindi po. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko,'' sagot ko at kumuha ng bacon.

Tumango-tango siya at sumandok ng kanin. ''Mabuti na iyan at magpahinga ka ngayon. Palagi kang umaalis at sumasama mangampanya kaya't nag reklamo na 'yang katawan mo.''

Tumango ako at tahimik na nakikinig habang kumakain. Nagku-kwento si Papa tungkol sa mga makukulit na pasahero na gustong sumakay sa maling sakayan kaya't nahuhuli ang mga driver niya.

''Siya nga pala, Liana,'' nag angat ako ng tingin sa kanya. ''Hindi naman sa pangingialam.. Pero boyfriend mo ba iyong Roman?'' maingat niyang tanong. I saw curiosity in his eyes.

Agad akong umiling. ''Hindi po, Papa.. Magkaibigan lang po kami.''

He nodded, seemingly satisfied with my answer.

''Bakit mo na tanong, Pa?'' dugtong ko.

Napahinto na ako sa pagkain at tumingin sa kanya. Alam niya naman na magkaibigan lang kami ni Roman dati pa kaya nakakagulat na tinatanong niya ako ngayon tungkol doon.

Malalim siyang bumuntong hininga. ''Tumatakbo iyong si Toran, ano? Nangampanya ang batang 'yun malapit sa paradahan ng taxi. Nagulat nga ako at pinansin at naaalala pa ako. Nangangamusta,'' nagkibit balikat siya. ''Mabait talagang bata. Mukha ring mananalo iyon sa eleksyon. Hindi na ba kayo nag-uusap?''

Nag-iwas ako ng tingin. We did.. We did things more than talking, actually. But of course I'm not going to tell my father that!

''Hindi po,'' pagsisinungaling ko.

Beyond His Caution (Lost and Retained #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon