Kabanata 27

1.9K 40 28
                                        

Kabanata 27

Closed

''Are you nervous?'' tanong ni Toran.

''Kind of. Paano kung hindi ako pumasa?''

''You will, okay? I have seen you reviewed enough. I'm sure you'll pass,'' he assured me. 

Malalim akong huminga at tumango. Tumayo na ako para kunin ang form na kailangan sagutan para sa law school na papasukan ko. Tinignan ko ang dates of exam. Meron na bukas agad, sa susunod na araw, at ang araw pagkatapos no'n.

I may be scared but I chose the earliest date. I don't want to prolong the agony I'm feeling. Mas mabuti nang maaga para matapos na 'tong pagtatanong at takot sa sistema ko.

Inabot ko ang bayad at hinintay na maprint ang test permit ko. Kung maipapasa ko ang exam, may interview pa akong kailangan daluhan. 

''How was it?'' tumayo na si Toran nang humarap na ako sa kanya.

Itim na polo shirt at maong na pantalon ang suot niya para sa isang ordinaryong araw. May relo sa kaliwa niyang braso at bitbit niya doon ang bag ko.

Hindi siya pumasok ngayon para samahan ako. He's taking his masteral degree in a university in Katipunan. He's on his third year and taking public administration.

''Bukas agad 'yung exam. Hapon din. Okay lang kung hindi mo na ako masasamahan. Baka magpasama na lang ako kay Lucy..''

He gave me a comforting smile. ''Ihahatid at susunduin na lang kita. I can't stay.. May klase ako.''

I nodded at him.

''Kung hindi talaga kaya ng oras mo, okay lang naman sa akin.''

''No.. That's the least I can do to support you. I'll fetch you, alright?''

I pouted. ''Okay.. Saan tayo kakain?''

Maloko siyang ngumiti. Lumabas na kami sa skwelahan at kumain.

For the past two years, our relationship ran smoothly. Hindi nagbago si Toran sa dalawang taon na pagsasama namin. Kung meron man, iyon ay mas naging komportable at maayos ang communication namin dalawa. 

Like before, he still has a fetish of holding my hand. If we are studying together, he'd always buy us coffee. Whenever I'm tired to see him, albeit he has classes, he would drop by in our house just to see me. He always finds time to also fetch me from school to my home. Pinili niyang gawin ang mga iyon para manlang daw ay makasulyap kahit busy kaming dalawa.

We haven't experienced a huge fight in our relationship yet. Tuwing nag-aaway kasi kami, hindi rin namin natitiis ang isa't isa. Although we are having a grumpy mood, it will always boil down with us talking about the matter maturely. Pagkatapos noon, okay na ulit kami. Maayos naming napag-uusapan kaya't madali lang para sa amin ang maintindihan ang isa't isa.

Pagkatapos ng graduation niya ay kumain kami nang kaming dalawa lang. May handaan sa kanila ng gabi kaya't pinili niya na kami muna ang magkasama. 

The tension I felt soon went away when his parents went home. Alam kong ramdam din ni Toran iyon kaya hindi na namin pinag-usapan.

There are times when we tried meeting his parents again. Kasama ako. Ipapakilala niya ulit. But then, we always end up failing. It's either may shooting and Mama niya, may plenary session na dadaluhan ang ama niya, o 'di kaya ay parehas na nasa bakasyon. Naging busy rin kasi ang mga magulang niya, kasama na siya at si Paulina na kapatid niya, dahil general election last year. We got tired planning it so we relied with time.

They were all over social media when the general election occured. Kasali rin kasi sa isang political party ang ama niya at maraming dinaluhan na debate para makita ang pagiging competent. 

Beyond His Caution (Lost and Retained #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon