Kabanata 2
Ecological
Natapos ang orientation at dumiretso kami ni Lucy sa UN Square kung saan may iba't ibang fast food chains. Pinili namin ang isang korean fast food chain kung saan ang isang koreana galing sa isang girl group ang endorser. We went inside to eat for a bit and talked about how will our first day be tomorrow.
''Sa tingin mo, single 'yun si.. sino ba 'yun?'' Lucy paused. ''Vico? Vic Anthony? Ano ulit ang pangalan no'n, Lia?''
''Victor Antonio,'' sagot ko.
''Ayun! Ang haba naman kasi!'' Ngumiwi siya. ''Single kaya 'yun? Mukha naman kasing hindi niya girlfriend 'yung babaeng kasama niya kanina.''
''Hindi ko alam. Pero.. baka. Hindi natin alam.''
''Hindi mo naman, Liana! Kapag may pogi, dapat stalk agad!'' Tumawa siya.
Halos isang oras din kami ro'n. Nang natapos ay bumalik kami banda sa school para dumaan sa walkway dahil do'n lang naman ang daan namin ni Lucy pauwi. Ang mga poste ng ilaw ay nagbibigay nang liwanag sa madilim nang street. Ang tapat ng gutter na dinadaanan namin ay may iba't ibang karinderya at sari-sari store. Ang katapat naman nito na pinaglalakaran namin ay may nagtitinda ng tusok-tusok. May ibang pamilyar sa 'kin do'n dahil nakita ko na kanina sa orientation.
''Huy. Sa tingin mo maraming tayong terror na prof? Medyo kabado ako kasi baka magisa na naman ako sa recit!'' hagikgik ni Lucy.
''Siguro. May experience ka na rin naman sa recitation kaya 'wag ka na tamarin magbasa ng readings! Baka pati rito madala mo kamalasan sa recit, e.'' I slightly laughed. Paano ba naman kasi, palagi na lang siya nagigisa sa mga recitation namin noong LegMa pa kami. Karamihan do'n ay legal terms na sinamahan ng math at accountancy kaya kailangan talaga magbasa.
Sa amin dalawa, natural na mas confident si Lucy habang ako'y mas masipag. Dahil sa pagiging confident niya, nadadala niya minsan ang mga professor namin sa sagot niya. Napapaniwala niya dahil sa confidence niya kahit mali at hindi siya sigurado sa sinasabi. Malas lang talaga siya sa mga major.
Naghihintay na lamang kami na makatawid sa pedestrian lane sa tapat ng simbahan ng school nang may na pansin kami na tumigil na itim na fortuner sa tapat ng main building. Magkatabi lang ang SV Church at SV building kaya malinaw na makikita ang mga tao na nando'n. Nakita ko si Victor Antonio na naglalakad papunta sa itim na sasakyan galing sa gate ng main building.
Ang pormal niyang pananamit kanina ay napalitan nang mas simple. He's wearing a white t-shirt hugging his toned body. Ang kanyang slacks ay napalitan na ng isang itim na trousers. Naka tuck-in pa rin iyon kaya halata ang bilugan niyang puwet. He partnered it with a white sneakers.
Mayaman pala ang isang 'to. Labas sa mundo ko. Malayo sa mundo ko.
Pumait ang pakiramdam ko sa naiisip. Bakit ba sobrang apektado ko sa kanya? Bakit bilis bumuhol nang pakiramdam ko kapag dating
Umiwas ako ng tingin at nakitang hindi iyon na pansin ni Lucy. Nakatingin siya sa isang matangkad at kulot ang buhok na lalaki galing sa katabing sa isang lote na may puti at asul na parang apartment.
May nakalagay na falcons nest sa may gate no'n.
''Lucy, tara na.''
She blinked her eyes for a bit and went to cross the street with me. Umalis na ang itim na fortuner at dumiretso na rin kami pauwi.
When I entered our house, the defeaning silence welcomed me. Everytime the house feels like this, I knew something happened.
BINABASA MO ANG
Beyond His Caution (Lost and Retained #1)
RomanceLiana Dignity, the first child and shock obsorber of the family, had to take the risk of accepting the proposition of someone important to her. She would gain something, but will also lose someone. Is the feelings she have for the one she love an en...
