Kabanata 35
Jealous
''Are you okay? I'm sorry it's kinda messy,'' Roman said as he guided me to seat.
Nasa isang kwarto kami sa loob ng barangay hall. The interiors is simple with its walls painted with white and black. Ang tiles na inaapakan ay puti at malinis. The room is filled with monoblocks na patong-patong.
Outside of this is the covered court where their campaign will be held. Marami nga ang tao sa labas at medyo magulo. Idagdag pa ang hindi tugmang schedule ng dalawang kampo.
Kailangan naming hintayin na matapos ang pagsasalita nina Toran. They were the first one to start so we had to adjust. Papalubog pa lang naman ang araw kaya't may oras pa kami.
I scanned the room and noticed an ample amount of packed food and drinks. Siguro ay ipamimigay ito para mamaya. Maliit lang ang kwarto at kaonti ang espasyo.
''Sa inyo ba ang mga iyan?'' turo ko sa mga pagkain.
''Nope.. Hindi pa naibababa ang mga iyon. Are you hungry? Pwede muna tayong kumain muna habang naghihintay,'' sagot ni Roman.
''Mukhang kailangan ninyong mag-usap nina Mr. Noel. Kanina pa tumitingin sa 'yo.''
Agad niyang nilipat ang tingin sa mga kaalyado. I saw him sighed and nodded. Nagpaalam siya sa akin at pumunta na sa kanyang mga kaalyado. Nakita ko silang nagusap-usap habang tumitingin sa labas kung nasaan sina Toran.
I wonder where is Lucy now? Ang sabi niya sa akin ay pupunta siya ngayon. She should be here by this time. What's with the delay?
Binuksan ko ang cellphone at tinignan kung may text ba galing sa kanya ngunit nabigo ako. My phone looks lonely with no texts and calls. Pinatay ko na lang iyon at pinagmasdan ang paligid. Baka inalagaan pa si Angelic.
Bukod sa amin ay may mga tauhan pa si Toran na mukhang nag-aayos ng mga pagkain. Naririnig ko ang ingay sa labas lalo na't gumagamit sila ng mic. After a few minutes, Roman went to me. Tumayo ako para harapin siya.
''Lalabas muna kami para kausapin ang mga tao. We realized it would look good if the people see that both camps are fine. Dito ka na lang muna,'' aniya.
Ngumuso ako. ''Okay. Wala pa yung kapatid mo. Pupunta pa ba siya?''
''Yup. Nagbibihis na iyon kanina. Baka nahirapan lang umalis dahil kay Angelic,'' he tapped my head. ''Babalikan kita rito. Makikihalubilo muna kami sa mga tao at sa.. ex mo.''
Malalim akong bumuntong hininga at tumango. Baka papunta na rin si Lucy rito. Mabuti na rin na hindi muna ako lumabas dahil wala naman akong ambag sa pangangampanya bukod sa pag suporta.
When Roman got out, muli kong nilabas ang phone ko para mag check ng emails. Ang iba ay mga tugon sa emails na pinadala ko months ago. Muli kong naalala na kailangan ko na ring pumili ng firm na papasukan. I'd lie if I say that I'm not looking at the salary offer. Pero higit pa roon, tinitignan ko rin kung makatao ba ang oras at workload. I don't want to feel burnout.
Natigil ang pagtitingin ko nang tumunog ang cellphone ko. I saw Lucy's name that's why I immediately answered it.
''Where are you? Kanina pa kami rito,'' ani ko pagkatapos sagutin ang tawag.
''Lia! Bullshit! Nabangga ang sasakyan ko kanina!'' rinig ko ang frustration sa pagkakasabi niya.
Agad na kumunot ang noo ko at muling napatayo. May kaonting kaba akong naramdaman dahil sa balita niya.
''What?! Anong nabangga? Where are you?!'' I asked with a concerned tone. Kapag narinig ito ni Roman, I'm sure he'd be worried!
''I'm fine, don't worry. Papunta na rin ako. But guess what!?'' I can hear her anger over the phone. Ano bang nangyari?
BINABASA MO ANG
Beyond His Caution (Lost and Retained #1)
RomanceLiana Dignity, the first child and shock obsorber of the family, had to take the risk of accepting the proposition of someone important to her. She would gain something, but will also lose someone. Is the feelings she have for the one she love an en...
