Kabanata 19

1.7K 49 24
                                    

Kabanata 19

With Another Girl


Nilipat ko na lang ang tingin ko pagkatapos kong makita ang nasa tv. It's not live and only a glimpse of what happened at the social function. Maraming pulitiko ang dumalo at may mga artista rin.

Sabi sa balita, debut raw ng anak ng senate president. I don't get it why they have to televise the celebration. It's extravagant and not needed. Wala naman ambag 'yun sa bansa. Nagsasayang lang ng time slot. They should have aired relevant news. Para kahit papaano ay may nalalaman ang mga nanonood.

I continued eating. Kumpleto kami ngayon na kumakain. Adrian who is seating beside me is happily eating. 

Hindi ata nila na pansin ang balita kanina. That's good. They won't ask and will not be worried. Akala nila ay porke malapit sa akin si Toran ay may hindi magandang nangyayare.

''Anong plano mong kuhanin na kurso, Adrian?'' pagsisimula ni Papa. Sumasandok siya ng kanin habang tinatanong iyon.

My brother is a Grade 12 student. Next year ay college na rin siya kaya kailangan niya nang malaman kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin sa buhay. Ngayon pa lang ay dapat alam niya na ang kursong kukuhain. Although, he should have known it since he entered senior high. Konektado kasi dapat ang strand at kukuhanin na kurso.

''Baka Forensic Science,'' sagot niya nang hindi tinitignan si Papa.

Napalingon ako sa kanya. I did not expect that. I thought he will take.. something not as heavy as that. Forensic Science is a complicated course specially to those who don't take academics seriously. Anong nakain nitong kapatid ko at bakit iyon ang napili niya?

''Sigurado ka?'' singit ko. Si Mama ay nakikinig lang sa amin habang kumakain.

''Mukha ba akong nagbibiro?'' pilosopo niyang sagot. I sighed. Hindi na lamang ako kumibo. Pinagpatuloy ko ang pagkain.

''May na hanap ka naman bang skwelahan?'' Papa asked again.

Ganito talaga si Papa simula noon. He always make sure that he is informed of the decisions we will make. That's the good thing about him. May mga panahon na ama siya sa aming dalawa. Minsan.. kay Adrian lang. He's a brat and he needs attention and guidance. I understand.

''Wala pa,'' he answered pagkatapos niyang uminom ng tubig.

''Saan mo balak? Magpatulong ka dito sa Ate mo,'' turo ni Papa sa akin. 

Napalingon tuloy ako sa kanya. I can help my brother with that. But I'm scared I only have a little time to be of help. Marami kaming kailangan basahin at kailangan kong mamaintain ang grades ko. If he's planning to take forensic science, then it will take us time to find a university. Hindi kasi ganoon ka in demand iyon kaya limitado lang ang nago-offer.

''Magt-take ako ng entrance exams, Ate. May mga review center ka bang alam?'' he asked while he's looking at me. Mukha siyang interesado.

Ano kayang hangin ang naamoy nito at parang nag bago ang pananaw niya sa buhay? Parang last week lang e sa akin niya pa pinagawa ang assignment niya ah?

''Meron pero.. sigurado ka na ba talaga riyan?'' I astonishingly turned to him. I'm amazed now. May mga plano pala siya na ganito. Natutuwa ako bilang kapatid.

Umirap siya sa akin. ''Oo nga. Samahan mo 'ko mag enroll saka mag hanap ng school,'' aniya. Tumango ako. 

I guess I'll have to buy booklets for him. Hindi na siya pwedeng mag review center dahil huli na at ngayon taon ang entrance exams. I'll guide him instead.

Beyond His Caution (Lost and Retained #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon