Kabanata 16
Normal
''Pinuntahan kita kasi hindi tayo magkikita dahil wala ako..'' aniya at tinitigan ako. His short hair is dancing because of the blow of the wind. Ang tingin niya sa akin ay may halong lambing.
''Ano naman kung hindi tayo magkikita?'' ani ko. His time should be spent pursuing the girl he likes, not on me who is merely someone special. Ang maalala iyon ay hindi maganda sa pakiramdam but I have to get used to it.
''Wala lang,'' kibit balikat niya at muling kinagatan ang burger.
''Huh? Ano bang ibig mong sabihin? Papasok ka naman siguro sa susunod na araw..'' I said. Hindi ko mabigyang pansin ang pagkain ko.
''Baka kasi mamiss mo ako kaya kita pinuntahan,'' he winked at me and waggled his eyebrows. May maliit na ngiti sa kanyang labi.
I rolled my eyes. ''Sana ay tulog na tayo ngayon.''
He gave a growl of laughter. ''Sorry na.''
''Kidding aside, I just.. want to have another moment with you. Idagdag mo pa na mukha kang galit kanina. Kaya nang nabasa ko yung text mo, napa drive ako agad.'' aniya.
''Hindi nga ako galit kanina. Nakaramdam ako ng pagod kaya hindi na ako masyadong nagsasalita.''
He nodded. ''Good to know. If the time comes and you are angry at me, tell me, okay?''
''Bakit naman ako magagalit sa 'yo? May magiging rason ba?''
''Hmm. I'll make sure you won't be angry at me. Basta kung mangyari man, sabihin mo sa akin para mapag-usapan nang maayos,'' aniya.
Tumango ako. ''Hindi ka pa ba hinahanap?''
He shrugged. ''I don't know. I turned my phone off,'' he said and he chewed his burger.
''Aren't you scared of being reprimanded?'' I asked. Sinumulan ko na ang pagkain. Kinuha ko ang iced tea at sinimulan nang inumin.
''Hindi..''
''Bakit? Palagi kang tumatakas kaya sanay ka na 'no?'' I accusedly asked him. Binuksan ko na ang maliit na box ng burger at kumagat na.
I can't blame him though. Kung totoo nga na tumatakas siya. Being deprived of freedom and liberty is much worse than having to be controlled. Mahirap na hindi magawa ang gusto dahil walang kalayaan. Sometimes I wonder if he enjoyed his childhood. Maliit pa lamang ako ay naririnig ko na ang apelyido nila dahil sa pulitika. Was he deprived? Was he happy?
''Hindi!'' halakhak niya.
''Eh bakit hindi ka natatakot?''
''I'm not scared of being reprimanded, Liana. I willingly went out of the house without their permission kaya hindi dapat ako matakot dahil dapat panindigan ko iyon. But then, I'm also of age. Dapat ay malaya na akong gawin ang gusto ko..''
''Paano 'yun kung ganoon? Okay lang sa 'yo mapagalitan? Kahit ngayon?''
He laughed. ''Kung para sa 'yo, bakit hindi?'' aniya sa malambing na tono.
Ito na naman. Naghuhuramentado na naman ang sistema ko. I wish he would stop being like this. I'm very certain that I'd stop liking him, or admiring, at least. Ngunit kung patuloy siyang magiging ganito ay baka hindi ko mapigilan ang sarili.
''Seryoso kasi, Toran..''
''I'm serious, Liana. Okay lang mapagalitan kung para sa 'yo. By now, I'm sure the guards have noticed that one of our cars is missing. Mamaya ko na lamang poproblemahin..''
BINABASA MO ANG
Beyond His Caution (Lost and Retained #1)
RomanceLiana Dignity, the first child and shock obsorber of the family, had to take the risk of accepting the proposition of someone important to her. She would gain something, but will also lose someone. Is the feelings she have for the one she love an en...
