Kabanata 5

2.5K 66 55
                                    

Kabanata 5

Support


Kinabukasan ay hindi pumasok si Lucy. She texted me that she's too tired and drunk. Palibhasa ay uminom pa sila pagkatapos ng concert.

Everytime I think about the scene Victor Antonio and I had last night.. I always think about how it made me feel. It's new. It's real. It's pure. We may not fully know each other yet but the effect of it on me is addicting. Kung papaano niya ako tignan at kung papaano niya binitawan ang mga salita ay nagpagulo at nanatili sa sistema ko.

''President! Picture-an ko kayo!'' sabi ng isang lalaki na may malaking camera na nakasabit sa kan'yang leeg.

Tumingin siya sa akin na para bang nanghihingi ng permiso. Tumango ako. 

Ang view sa likod ay ang mga studyante at ang entablado na may bandang nagpe-perform. Madilim na kaya bukas na ang stage lights. I shyly smiled at the camera while Toran beside me is grinning from ear to ear. 

Pagkatapos ng ilang shots ay umalis na rin ang photographer. 

''Baka.. i-post ulit 'yon sa facebook. Ayos lang ba?'' tanong niya.

Why does he even have to ask? It's completely fine with me.

''Ayos lang. Uh, noong una lang ako nanibago.''

Ngumiti siya at tumitig sa 'kin. Napalunok at dahil sa mapungay niyang tingin.

Ang puti kong v-neck shirt ay namantsahan na nang pinaghalo-halong kulay. Karamihan do'n ay matitingkad na kulay kaya hindi naman malaking abala kung lalabhan. Gano'n din ang itim kong pants. Hinarap ko si Toran at na pansin na gano'n din ang itsura ng itim niyang polo shirt. Mas halata nga lang sa kan'ya dahil matitingkad ang color powder.

''Uuwi na ako. Baka gabihin ako lalo,'' sabi ko habang hinahanap ng mga mata ko ang kaibigan kong si Lucy.

''Hahatid na kita.''

''H-ha? Hindi na. Kanina ka pa dapat sumama kina Lionel at Kia. Nakakahiya na. Saka may dadaanan pa kasi ako.''

Tumango-tango siya. Inayos ko sandali ang itim kong tote bag at dumiretso na sa kaibigan ko. Nakasunod si Toran sa aking likod, ginagabayan ako.

Nasa may dulong parte sina Lucy kasama sina Cyrille at iba pang freshmen. Nagtutulakan sila do'n at parang may gustong lapitan. Lucy doesn't look older compared to our blockmates because of her coffee colored hair. Magaan din ang aura niya kaya mapaghahalataan na hindi pa dalaga. 

I saw tall men near her. Lagpas sa sampu iyon at nakasuot lamang ng maiikling short. Ang iba ay naka ballcap at ang iba naman ay hindi. Malalakas ang dating nila kaya hindi ako nagtataka kung bakit parang nagkakagulo sa paligid nila.

''Basketball players ang mga 'yan. Seniors. May free pass kaya pwedeng pumasok,'' sabi ni Toran habang papalapit kami kina Lucy.

''Free pass?''

''Yes. Sila lang meron niyan. Palibhasa't mga players ng school kaya binibigyan ng pribilehiyo, e.''

I nodded. I scanned all of them and saw the guy Lucy has been crushing over. He's wearing a blue jersey shorts and a white titan shirt. Ang buhok niya ay kulot pa rin at ang morenong balat ay mas nagpaganda ng tindig.

I saw Cyrille taking photos of that guy with Lucy beside her. Matangkad iyon kaya hanggang balikat lamang ang kaibigan. Naka akbay siya at maliit ang ngiti habang ang kaibigan ko ay mapupunit na ata ang labi sa sobrang pag ngiti. 

Hinintay namin silang matapos. When they were done, lumapit agad ako sa kanya.

''Uy, uwi na ako.''

Beyond His Caution (Lost and Retained #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon