Kabanata 3
Seat in
Lumipas ang mga oras at ngayon ay ang break time namin. It's 12nn and we are inside the university store to buy the book which is required for theology 1. Nasa dalawang oras ang break kaya may oras pa kami para bumili at kumain.
The university store isn't huge. Sakto lamang ito para sa mga paninda na uniform at libro. Ang entrance ay makikitaan ng mga t-shirt na may iba't ibang disenyo na masusuot sa UAAP games at pwede rin para sa wash day. The right side of it consist of a female and male mannequin stand wearing our school uniform. Doon banda pwede bumili no'n. Ang katapat naman ay kung saan pwedeng makabili ng PE habang ang gitna ay kung saan pwedeng bumili ng mga libro.
''Thank you,'' I smiled after I handed my payment.
We paid for the white slim book and entered Cafe San Vicente infront of the u-store to eat. Maganda ang ambiance do'n. The lights are dim which suited the wooden tables and chairs. Nakikita sa likod ng cashier ang mga chef na nagluluto.
Umupo kami sa mesa na katapat ay pader. Ang katapat nito ay isa ring mesa na pwedeng upuan ng apat. Ang katapat naman ay katulad sa mesa namin na pang dalawahan lang ang pwedeng umupo.
''We don't encourage bystanders in respect for the people who are interested to eat,'' isang puting laminated na picture ang nakalagay sa taas na pader. Para siguro ito sa mga tumatambay lang. I shrugged my shoulder.
We went to the cashier to place our order.
I ordered lasagna and carbonara while Lucy requested for a kare-kare with rice. We paid and went back to our seats. Magkatapat kami nang inuupuan.
''In fairness naman talaga kay Sir Badong at nag-iwan agad ng readings! First meeting pa lang akala mo prelim exam na, e,'' Lucy ranted.
''Major kaya ganon. May contact ka ba kay Cyd? Para makuha agad natin yung photocopy today.''
She nodded and got her phone out to chat Cyd. Sa kanya kasi binigay yung original copy at inutusan na ipa-photocopy iyon. We are said to read a fifty pages readings for the recit tomorrow. I was busy thinking about the readings when Lucy started to talk again.
''Hoy babae! Ano yung kanina ha? Hindi pwedeng ganon lang talaga siya. Nag-uusap ba kayo? Nakilala mo na siya dati?'' nangingiti nyang sabi.
''U-uh no. Nakausap ko lang nang ilan beses. Hindi ko alam kung bakit siya ganon kalapit pero baka dahil na rin sa ilan interaksyon,'' sabi ko.
Hindi ko naman talaga alam kung bakit. I'm intimidated by him. He seem to be comfortable of me. Ilan beses pa lang naman kami nakapag-usap pero parang kung umasta siya kanina ay akala mo na matagal na kaming mag kaibigan.. o kung ano.
''President 'yun ng org! Dati rin President ng AUSG! Ang haba ng hair ng kaibigan ko!'' kinikilig na tingin sa akin. Ewan ko sa 'yo. Wala akong balak isipin ang kung ano maliban sa posibleng pagiging pala kaibigan niya.
Though.. his eyes and own existence is intimidating. His actions are exact and concise. He's very confident. Hindi ko siya gaano kilala kaya hindi ko na lamang huhusgahan ang pagiging malapit niya.
Nilapag sa mesa ang mga order namin. Ang kare-kare na in order ni Lucy ay may kakaonti pang usok na lumalabas mula sa plato nito. Ang carbonara at lasagna naman ay maayos na sinerve.
''Ang bango! Mahirap bang lutuin 'to?'' ani Lucy.
''Medyo,'' sagot ko kahit hindi ko pa nasusubukan. Nilahad ko ang platong may carbonara. ''Gusto mo? Baka hindi ko 'to maubos.''
BINABASA MO ANG
Beyond His Caution (Lost and Retained #1)
RomanceLiana Dignity, the first child and shock obsorber of the family, had to take the risk of accepting the proposition of someone important to her. She would gain something, but will also lose someone. Is the feelings she have for the one she love an en...