Kabanata 39
Sea
My shoulder slumped when I saw him leaving. It's almost an opportunity for me to talk to him but the timing did not favor me.
Imbis na makipagsiksikan ay umatras na lang ako. Wala na rin namang mangyayari kung ipipilit ko pang bumaba sa hagdan dahil alam kong bantay sarado siya ng security.
Nakatungo akong lumayo roon. Maybe now isn't the right time, huh? Everyone's busy including him. I should have known better. Sa susunod na araw na lang o.. kung kailan ibibigay ng pagkakataon at oras.
I proceeded to cast my vote that morning. Kung minamalas pa, yung presinto kung nasaan ang pangalan ko ay ang presinto kung saan din bumoto si Toran! Great!
''Idadaan lang kita sa bahay. Didiretso ako kina Lucy,'' ani ko kay Adrian habang nagd-drive.
Nakaalis na kami sa school na iyon dahil tapos na kaming bumoto. I'm driving now on the way to our home. Ibababa ko lang ang kapatid ko roon at saka na tutungo kina Lucy.
''Bakit ka pupunta do'n? Napapadalas ka ah.''
Hininto ko ang manibela dahil sa stop light. I turned to my brother.
''I wanna be with them when the result comes out,'' I shrugged.
''To show support or to console Roman if he lose?'' he grinned.
I glared at him. ''That's rude to say.''
Ngumiwi siya. ''Nakita ko iyong ex mo kanina habang papalapit ako sa sasakyan mo. Lakas no'n, ah. Buong barangay ata natin siya ang gusto. Ganoon din sa mga katabing lugar. Binoto ko rin. Ex mo, e,'' he chuckled. ''Ikaw ba?''
Of course I did. When I saw his name on the balot, there is an overflowing pride in me. Hindi ako nagdalawang isip na siya ang iboto. Not because he is my love, but because I know he'll be a great public servant.
My brows furrowed as I gave him a look. ''Nakita mo? Saan?''
''Malapit nga sa sasakyan mo. Nauna na ako doon, 'di ba? Naabutan kong pinagkakaguluhan ng media, e. Sabagay, mukhang matatalo niya ang mga Lopez. Big time na ng ex mo, ah?'' he laughed. ''Balikan mo nga para may bayaw naman akong Mayor!''
I smirked. I maneuvered the steering wheel to drive when I saw the stop lights turned green. I may have lost the opportunity to talk to him earlier, I'm still going to find a way to finally clear things up and have him with me. I'm determined.
''I will.. Naghahanap lang ako ng tyempo.''
I saw him in my peripheral vision renewed his seat. ''Seryoso ka, Ate?''
I nodded with a smile on my lips. ''Mukha ba akong nagbibiro?''
Nakita ko ang unti-unting pag ngisi ng kapatid. Years ago he told me that he likes Toran for me. Sa ilang beses kasing pagbisita ni Toran sa bahay dati ay nakausap siya ni Adrian. May mga araw pang nagba-basketball silang dalawa.
I smiled in my thoughts. Things are finally falling into place. I achieved my dreams. My parents' businesses are stable. My brother has a job which makes him earn.
Ang tanging kulang na lang sa buhay ko ay siya..
Si Toran.
Pinarada ko ang sasakyan sa tapat ng bahay ng mga Defensor. Halos hapon na nang makarating ako dahil pinakain pa ako nina Mama kanina. I also brought clothes just in case Toran and Roman wins. Siguradong pupunta kami sa city hall para pormal na ianunsyo iyon.
When I went out of my car, halos magulat ako nang nakita na kapaparada lang din nina Lucy. Agad na may lumapit na kasambahay sa kanya at binuhat si Angelic.
BINABASA MO ANG
Beyond His Caution (Lost and Retained #1)
RomansaLiana Dignity, the first child and shock obsorber of the family, had to take the risk of accepting the proposition of someone important to her. She would gain something, but will also lose someone. Is the feelings she have for the one she love an en...