Kabanata 25
First Taste
My heart pounded when I heard what he have said. Anong ibig niyang sabihin? Alone? Kaming dalawa mamaya?
Panigurado na busy ang lahat kapag nag simula na ang event. Balita ko ay si Lionel at Kia ang MC at magbibigay naman si Toran ng maliit na mensahe.
Hindi kami magkakaroon nang pagkakataon na masolo ang isa't isa dahil doon. He's busy with his speech and the speakers while I'm busy here at the back, particularly with the registration.
Umurong siya nang kaunti kaya't magkaharap na kaming dalawa. He's showing me a tender look gamit ang mapungay na mga mata.
Bumaba ang tingin niya sa labi ko. He licked his lips sensually. Napansin ko ang tila nahihirapan niyang paghinga dahil sa atensyong niyang nakatuon doon. When he can't control it anymore, he went to look at my eyes again.
My breathing hitched. Nangatog ang mga paa ko nang may naramdaman na koneksyon sa aming dalawa. Simpleng tingin lang naman iyon ngunit sobra na ang panginginig ng sistema ko.
I looked at him and saw that his lips twisted, stopping himself to smile.
''We will talk later, okay? I miss you..'' he gently said.
Ngumuso ako dahil sa kilig na nararamdaman. Now that he's infront of me, I almost forgot that there are people around us. Para bang siya na lang ang nakikita ko at nakakalimutan ko na ang paligid.
''Bro, 'wag dito. Makita pa kayo ng speakers,'' halakhak ni Lionel.
Mariin nang tumayo si Toran at muling binigyan ako nang ngiti. Tumango siya kay Xian na nasa tabi ko at dumiretso na sa harapan. Kia waved at me again and proceeded to head to Kuya Matt.
Huli ko na naramdaman na kanina pa pala ako nagpipigil na huminga. I deeply sighed because of the scenario earlier. Dahil doon, sigurado na akong alam na ng mga kaibigan ni Toran ang namamagitan sa amin.
I'm not complaining, though. I'm happy we are slowly being public. 'Wag lang sana iyong sobra dahil maraming makikiusyoso.
Xian nudged me. ''Gano'n pala 'yun pumorma?'' he laughed.
Umiling-iling na lang ako at binuksan na ang paperbag na binigay ni Toran. Maingat kong nilabas ang mainit na kape na nakalagay sa pulang pahaba na cup at baka matapunan ang olive green kong long sleeves at nude na pants. Nilabas ko na rin ang isang slice ng strawberry cheesecake na nasa transparent na lalagyan.
I saw Xian looking at the food.
''Gusto mo ba?'' natatawa kong sabi.
Mukha siyang natatakam sa cheesecake.
Matakaw na talaga ang isang 'to simula nang makilala ko lalo na noong tree planting. I'm sure it's not just because he's tired.
''Yes, please,'' his puppy eyes pleaded. "Hindi pa 'ko nagl-lunch. One bite lang."
Tumawa ako at binigyan siya. Buti na lang at ilan minuto pa bago dumating ang mga makikinig. Most of them are familiar to me since nakita ko na ang iba dahil kablock ko.
Tinuro ko lang ang mga susulatan at pipirmahan sa registration form.
Nasa harapan ko si Ariane na kaklase ko sa isang subject. Wala pa si Lucy ngayon kaya't nagtataka na ako.
"Hindi ninyo kasabay si Lucy?" tanong ko.
"Hindi. Opening ng season ngayon, e. Kasama si Cyrille," sagot niya.
Tumango ako. Nang natapos na siyang mag sign in ay dumiretso na siya sa mga upuan.
I'm sipping on my coffee every now and then. Whenever there is no one coming in, my eyes automatically lands at Toran who's busy entertaining phone calls.
BINABASA MO ANG
Beyond His Caution (Lost and Retained #1)
RomanceLiana Dignity, the first child and shock obsorber of the family, had to take the risk of accepting the proposition of someone important to her. She would gain something, but will also lose someone. Is the feelings she have for the one she love an en...
