Chapter Three

2.2K 73 17
                                    

Chapter Three

Two years ago...

"Saan tayo magbabakasyon?" I asked Mama and Papa over dinner.

"Any suggestion? Ej, Earl?" Mama asked the two ulupong.

"I have a suggestion!" I raised my hand. "South Korea naman tayo, palagi nalang tayong Europe, America. Kakasawa."

"Kasi gusto mo lang makakita ng mga oppa mo. Oppapangit naman." Earl said.

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Excuse me! Mas gwapo pa nga sayo si Park Seo Jeon at Lee Jung Suk."

"Oy! Kamukha ko nga daw si Lee Min Ho."

"Eiw! Ang layo ha!"

"Enough. Para kayong mga bata." Suway ni Papa. I made a face at Earl. He's so epal talaga.

"SoKor nalang tayo, Mama. I really wanted to explore it kasi!" I batted my eyelashes.

"Okay. Okay, pack your things."

"Ha!" Pang aasar ko doon sa dalawa.

Sabay silang umiling. Aba bakit? Last vacation namin si Earl ang nasunod sa HongKong. So it's my turn.

Pagpasok ko sa trabaho kinabukasan, humingi ako ng one week leave. Goodthing na pumayag agad si Sir Gardo kaya pagkatapos ng schedule ko agad akong umuwi sa bahay. Since magbabakasyon kami, dito kami tumutuloy ngayon sa bahay namin sa QC.

I was really excited for our vacation. Bumili pa ako sa H&M ng mga sweater ko at dalawang boots. Dalawang luggage ang dala ko, ako naman magbabayad noong akin so wala nang sinabi si Papa.

I just can't stop myself from smiling wide. Finally, makakatungtung na ako sa Korea. Una ko talagang pupuntahan iyong Namsan Tower! God! I am so freaking excited!

One hour lang siguro ako nakatulog kasi nga nararamdaman ko na iyong adrenaline rush sa katawan ko. Lalo pa noong inannounce iyong paglanding ng eroplano sa mismong airport.

"Waah! Oh my god!" I exaggeratedly spread my arms.

Sabay na sinapok nang dalawa iyong ulo ko. Pero imbes na magalit ay kinindatan ko sila pareho.

"Thank you! Nasaktan ako kaya alam kong hindi ito panaginip!"

Nahuli ako paglalakad dahil dalawang luggage nga iyong dalawa ko. And please remind me na may dalawang ulupong akong kapatid na hindi gentleman sa akin. So I have a hard time putting my luggages on the back of our rented van.

"Can you please hurry up, Emerald?"

"Hindi nyo kaya ako tinulungan no." Umirap ako padabog na naupo sa gitna nila.

Si Earl iyong nakapwesto sa bintana at si Ej iyong nasa may pinto na natutulog na. Si Papa ay may kausap na sa laptop nya, probably some of his business. While Mama, nakamasid lang sa bintana.

I posted the pictures on my IG. At oo na, hindi ko na talaga maawat iyong puso ko. I am in Korea!

Nakarating kami sa hotel na tutuluyan namin for five days! Dalawang kwarto ang kinuha ni Papa since it's too expensive. May dalawang kama iyong isang kwarto. Nagkasundo sila Ej na tabi sila sa king size at ako na iyong pumwesto sa queen size.

Nagsuggest tuloy ako kay Papa na magpagawa na din ng Lausingco Hotels dito para kapag magbabakasyon kami dito, may matutuluyan kami. Pag iisipan nya daw.

Nagpahinga muna kami at dinner na nagising bago bumalik uli sa kwarto. Inabala ko ang sarili ko sa pagsesearch ng magandang lugar dito sa korea para mag alam naman ako.

Into You (Lausingco Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon