Chapter Seven

1.9K 69 15
                                    

Chapter Seven

Sa Lucena ako umuwi pagkatapos ng ginawa ko. Jusko, ihahanda ko na ang sarili ko dahil maya maya lang pagpipiyestahan na naman ako sa social media.

Usually, wala naman akong paki sa ganyan. Lagi din akong may nasasapak na mga kapwa ko reporter, models na sarcastic sumagot. O kahit sino pero iba ito! Iba talaga dahil anak ng presidente iyong sinapak ko at sa gitna pa ng mall!

Naku, Emsi! Ano ba iyang ginagawa mo? Kapag naiinis ka talaga hindi mo mapigilan sarili mo no?

Dumiretso ako sa kwarto ko sana kundi lang ako napansin ni Mama. I smiled at her and kissed her cheeks.

"Oh, hindi ka nagpasabing ngayon ka uuwi."

"Eh, biglaan Mama."

"Kumain ka ng sopas, nagluto ako. Dadalhan ko kasi sina Sinag."

"Sige Ma. Pero magbibihis lang ako."

Tumakbo ako sa kwarto ko at tinambak ang bag ko sa gilid ng kama ko. Naupo ako sa harap ng vanity mirror at sinabunutan ang sarili ko.

Nainis kasi ako, okay? Hindi ko naman plinanong sapakin si Vini. Kahit kailan hindi ko inaksaya ang oras ko! At ang gago nya para lang paghintayin ako ng halos dalawang oras para sa interview na iyon?

I took a half bath to ease my mood. Bumaba din ako para saluhan si Mama sa pagkain ng sopas. Pagkatapos ay nagpaalam syang bibisita lang sa bahay nina Sinag, bukas ko nalang bibisitahin si ZK. Sa ngayon gusto ko munang magkulong dito sa bahay.

Hindi ko binuksan ang cellphone at laptop ko. Sa tv ako nanuod ng netflix. Nakataas ang paa ko sa sofa at pinapapak ko ang isang buong cheese doon. Stress ako sa ginawa ko kaya kailangan ko ng cheese.

Gabi na pero nasa harapan pa din ako ng tv. Wala pa sina Papa sa bahay at ako palang mag isa. Hindi ko nga maiwasang isipin na baka nakarating na kay Papa ang balita. Naku, mas lalo akong pinanlamigan.

Paubos na iyong cheese na hawak ko ng makarinig ako ng tunog ng sasakyan. Sumilip ako at nakita ko ang pick up ni Ej. Unang bumaba doon si Mama na pumasok sa loob.

"Emerald! Namamapak ka na naman ng cheese!" Hesterikal nyang sabi ng makitang tangay tangay ko ang eden cheese.

"Ah. Hehe. Palitan ko nalang, Ma."

"Maalat iyan!" Sinapo ni Mama ang ulo nya at nagtungo sa kusina.

Sunod na pumasok ay si Ej na binubuksan ang dress shirt nya. Sumulyap sya sa kusina at umiling sa akin.

"Gaaan ka ka-bitch, Emerald?"

I batted my eyeslashes on him.

"Hundred percent. Why?"

Lumapit sya sa akin at pinitik ang noo ko.

"Aray ko Ej!"

"Tange ka ba? Kalat na sa social media iyong pananapak mo sa anak ng presidente! Buti at ayaw na muna ni Mama na magbukas ng mga ganun."

"Oh my god!"

"Bakit mo naman sinapak iyon? Ex mo ba? Niloko ka?"

Hindi ko na pinansin si Ej at kinuha ang cellphone ko. I turned it on and waited. Ang daming nagtetext at nagchachat sa akin. Iyong iba nagpopost pa sa timeline at nagko-comment pa.

"Pagdasal mo na hindi pa nakikita ni Papa iyan."

Napaupo ako at binabasa ang ibang binabato sa akin. Napagdaanan ko na ang mga bash na ganito pero I can say na malala talaga itong ngayon.

Reporter ka lang pero ang kapal ng mukha mong suntukin si Vini!

What? Are you of your mind, Emsi Lausingco?

Into You (Lausingco Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon