Chapter Twelve

2K 59 24
                                    

Chapter Twelve

Commute ako pauwi sa Lucena noong araw na iyon. Nagpaalam ako kay Sir Gardo, at since tapos na daw iyong private interview kay Vini na hindi naman talaga private. Kasi inupload iyon sa site mismo ng Studio namin. Kaya lang tinawag na private kasi closed interview iyon with Vini. Nilagay din sa magazine ang mga naging sagot nya pero hindi inere sa tv, though mapapanuod pa din naman through our site.

Si Papa ang nabungadan ko pagpasok ko sa mansyon. Nakaupo sya sa veranda at nagkakape habang kaharap ang laptop.

"Pa."

Nagulat pa si Papa na nakalapit na ako sa kanya. I kissed his cheeks. We're not that close kasi mas focus sya doon sa dalawa pero hindi naman big deal sa akin dahil pinayagan nya akong maging reporter.

"Oh, Emerald. Hindi ka nagpasabing uuwi ka? Alam na ba ng Mama mo ito?"

"Nagtext po ako sa kanya kagabi. Nasan nga pala sya?"

"Nandoon sa apo nya. Mamaya ay susunduin ko sya doon. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa."

Sumimsim sya sa kape nya. "Kaya pala nagpaluto ang Mama mo ng hamunado. Kumain ka na doon."

"Sige Pa." Sinarado ko ang laptop nya. "Awat na muna sa trabaho, Pa."

"Nakapagbreak time na ako. Nag-golf kami ng presidente."

"Oh? That's good."

Papa snorted. "But I don't like his guts. Masyadong mayabang."

Natawa ako. Well, he's Elvis Lausingco for fuck sakes.

"Emerald, I saw the news, by the way... Are you dating Vini Acosta?"

"Pa, those are just rumors. Nakita lang kami magkausap sa bar."

"Is that so. Haven't met that guy, sana lang ay hindi nya kaugali ang ama nya."

"Papa, the President seem like a kind person. I've met him once."

"Natural naman na iyon kapag presidente, may mayabang na ugali."

Nagpaalam ako kay Papa na magpapalit muna sa itaas. Binati ko din sina Manang sa kusina na nagulat nang makita ako.

"Mamaya na po. Pahinga lang ako."

"Sige, dito lang naman kami."

Tumango ako at umakyat na sa kwarto ko. Pabagsak kong itinapon ang sarili ko sa kama at pumikit ng mariin.

Mga sampong segundo bago ako tumayo uli. Hinubad ko ang tsinelas ko at dinampot ang towel ko bago pumasok sa cr ko. Hinayaan kong lumagaslas ang bawat tubig sa katawan ko. Visible pa din iyong hickey ko sa leeg dahil sa kamanyakan ni Vini. Nilalagyan ko lang iyon ng concealer para hindi gaanong pansin.

Hinayaan kong tumulo ang buhok ko nang ipulupot ko ang towel sa katawan ko. Lumabas ako sa kwarto at binuksan ang laptop para sa music. I need to chill. Next week tutulak ako ng negros para sa activity doon.

My phone rang. Mabilis kong dinampot iyon at nakita ang unknown number. Saglit na kumunot ang noo ko bago ko sinagot ang tawag.

"Sino to?" Kinuha ko ang lotion ko at umupo sa kama.

[Your sexgod baby girl.] His voice is husky

Umirap ako sa hangin. "Geez. Hindi na ako magtataka kung saan mo nakuha ang number ko."

[I have my ways. Where are you?]

"Bakit ko sasabihin sayo? Akala ko ba you have your ways?"

[Gusto mo bang bulabugin kita jan sa mansyon nyo at sabihin sa Papa mo na dapat mo akong panagutan?]

Into You (Lausingco Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon