Chapter Twenty Two

1.8K 54 12
                                    

Chapter Twenty Two

Hinilot ko ang paa ko nang makaupo ako sa van. Uminom din ako ng tubig pero hindi malamig. Maghapon akong nagsasalita para maghatid ng balita at pakiramdam ko namanhid na ang lalamunan ko.

"Okay na to. Pasok na sa van, Emsi." Tinulak ako ng bahagya ni Toper.

"May last pa diba?"

"Tingin ko uulan, kaya huwag na."

"May raincoat sa likod. Pagod na kayo kaya gusto nyo na umuwi, pero hindi tapusin na natin to."

Umulan nga ng malakas habang nagbabalita ako. After that, diretso uwi kami at naligo agad para hindi ako dapuan ng lagnat, mahirap na. Madami akong schedules ngayon.

I wore a sweatpants and a simple white tshirt and my vans shoe. Magkikita kami ni Crime ngayon dahil may party ang law firm nila para sa naipanalong kaso last month. He'll bring me as his date.

Syempre kinikilig na naman ako dahil doon. Nagpaalam lang ako kay Ate Doray para incase na hanapin ako noong dalawang ulupong. My phone beep. Nasa labas na daw si Crime.

I almost ran but I stopped. Baka maweirduhan sakin si Crime kapag nakita nya akong excited masyadong makita sya. Binuksan ko ang passengers door.

"Hi," I greeted him and kissed his cheeks.

Humawak sa baywang ko si Crime at ngumiti. His smile makes him like a criminal with a crime ahead of him.

"Hey.." he whispered and kissed my lips.

He pulled away for a minute and started to drove away. Sa isang bahay daw gaganapin ang party. House party perhaps.

Pagkarating namin ay nakahanap naman agad ng parking si Crime at hinawakan ang kamay ko papasok. Humigpit ang hawak nya sa kamay ko. Inabutan kami ng tig isang baso na may lamang vodka.

Lumapit sya sa isang lamesa doon. Kinawayan naman sya agad.

"Crime! Gago pre, kaya pala ang tagal may bitbit na date." A man with a manbun greeted him.

"This is Emsi Lausingco." Pakilala agad ni Crime sa akin.

I smiled at them.

"Oh! The reporter!"

Isa isang nagpakilala sa akin ang mga tao sa lamesang nilapitan namin. Giniya din ako paupo ni Crime sa tabi nya.

Mabilis akong naka-get along sa kanilang mga pinag uusapan. May iilan ding agad na nakikipag usap sa akin, at dahil nasa mood naman ako ay hindi na ako nagsuplada. Nakakahiya din naman kay Crime.

"Sereng!" Tumayo si Mojito at hinila ang babaeng napadaan sa table namin.

"Uy Serenity!" The other guys teased her.

"Moji, may mga kasama ako doon."

"Ito naman, bitter ka ba?" Mojito said.

"Why would I?" Ani Serenity at napabaling sa pwesto namin ni Crime.

Crime approaced her by showing off his cup of alcohol.

"Hi Sereng." Crime said.

"Whatever." Umirap iyong Serenity at kumawala sa pagkakahawak ni Mojito sa kanya.

Napuno ng tuksuhan ang table ng makaalis si Serenity. Kumunot ang noo ko.

"Bitter pa din. Tapos may kasama ka pang chix." Iiling iling si Jay.

They continue with their topic. Marahan akong nakikinig sa kanila. Natawa ako sa sinabi ni Jewel pero nakita kong tahimik si Crime sa gilid ko. I cupped his face and made him faced me. Ngumiti ako sa kanya.

Into You (Lausingco Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon