Chapter Twenty Nine

1.7K 63 17
                                    

Chapter Twenty Nine

"I don't need your money, Mr. President.." Seryoso kong sabi.

"Pa." Si Vini na gulong gulo na. "Anong meron?!"

Sinalubong ko ang pagtitig nya.

"Your father asked me to look for you and make sure that your image will be okay on and off the media."

"Ako na ang mag eexplain, Miss Lausingco."

"And?" Si Vini.

"I seduce you in a purpose. Nagkaroon kami ng usapan ng Papa mo na siguraduhin kong malinis ang imahe mo sa media kapalit ng promotion ko. Tinanggap ko kasi matagal ko nang hinangad iyon."

"Sa madaling salita? Niloko mo ako?"

Umiling ako. I stood up. "Hindi na ako magtatagal, Sir." Nagbigay galang din ako kay Madam Roma.

Mabilis akong tumalikod para makaalis na sa lugar na ito. Kaso napatili ako ng may humablot sa braso ko at hinila ako papasok sa isa sa mga pinto dito sa Palasyo.

Tumili uli ako at napapikit nang marahas nyang sinuntok ang pinto sa gilid ng tenga ko.

"Tangina! Ano pa? Ano pa?!"

"Wala na. Nasabi ko na lahat diba?"

"Pucha! kaya pala kung makatulak kay Rashie, ganoon nalang. News flash, wala akong pakialam sa image."

"Pero iyon ang makakabuti sayo."

"Tss. Talaga ba? Sabihin mo nga sa akin, mahal mo ba ako?"

Kumurap ako at umiling.

"Hindi." Diretso kong sabi.

Tumawa sya ng pagak. "So ako lang ang nabitag sa larong ito? Tangina, masaya iyon, Emerald?"

"Wala akong ilalabas sa mga sinabi mo, huwag kang mag alala."

Muli nyang sinuntok ang pinto.

"Ganon ganon nalang lahat? Mas pipiliin mo ang promotion mo?"

"Oo. Ikaw, naguguluhan ka lang at hindi mo ako mahal kaya huwag mo nang ipilit."

"Putangina!" Galit nyang sigaw at hinawakan ang panga ko. "Huwag mo akong utusan!"

Tinabing ko ang kamay nya.

"Hindi kita mahal, Vini! At kahit gustuhin ko, hindi dapat! You're a dangerous man!"

Umigting ang panga nya at lumayo sa akin. Inayos ko ang sarili ko.

"Salamat nalang sa lahat." Sabi ko.

"Wala akong pakialam sa salamat mo! Umalis ka na!"

I didn't bother to looked back and immediately walked my way out. Sinapo ko ang dibdib ko nang kumirot iyon.

SILAW ng liwanag ng ilaw ang humarang sa mga mata ko. Kinusot ko iyon bago hinarap ang nasa unahan ko.

Nandito ako ngayon sa isang pressconference ng bagong movie na dinerek ni JM. As a support. Bukas pa ako bibiyahe pabalik ng Lucena para sa leave ko. After nang nangyari sa Palasyo, wala na akong naging balita sa kanila. Vini stop pestering me.

Mabuti na din ito para hindi na lumala kung ano man itong nararamdaman ko sa kanya, na hindi dapat.

"Totoo ba na nililgawan ka na ni Adam, Savannah?"

I looked at Savannah. She shyly smiled and shooked her head.

"Hindi po. We're friends."

"Aw. Wala bang chance si Adam?"

Into You (Lausingco Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon