Chapter Twenty Four

1.8K 55 18
                                    

Chapter Twenty Four

Shocked after hearing him say that ay halos lumuwa ang mata ko sa panlalaki niyon. Everyone gasped.

"Umalis ka nga dito!"

"Na-uh. Kailangan nating mag usap."

"Wala tayong pag uusapan. You're making a scene, Mr. Acosta. Nagtatrabaho ako." I professionally said. "Will you please?"

I ignore him. Lumapit ako sa isang staff na natigilan dahil sa presensya ni Vini. Tinanong ko sya tungkol sa babasahin kong research.

Tyaka bakit ba nandito si Vini? Dapat ay nasa Lucena sya para sa oplan SK ngayon. Ano na naman bang gusto nang isang ito? Gumagawa pa ng eksena dito.

"Emerald."

Hindi ko sya pinansin at tinanggap ang folder na inabot ng isang staff sa akin.

"Emerald, face me."

"Umalis ka na, Mr. Acosta. I--"

"Stop with the formality, bullshit."

Mabilis akong lumapit sa kanya at walang pasabi na hinila ko sya palabas ng auditorium room. Dire diretso lang ang lakad ko patungo sa rooftop kung saan pwede ko syang bungangaan talaga.

Nang makapasok kami sa rooftop ay mabilis nyang hinapit ang baywang ko at sinarado ang pinto. Kinulong nya ako sa pagitan ng pinto at nang katawan nya.

I shut my mouth close as he pressed his body onto mine. Napahawak ako sa magkabilang braso nya at sinalubong ang matalim nyang titig sa akin.

"Hanggang kailan mo ba tatapakan ang ego ko? Punyeta, Emerald!" He firmly said. "Hindi ka ba talaga marunong magpaalam? And why are you avoiding me again?"

"Bakit ba pinuputok ng buchi mo iyan? It's just sex, Victor."

Umigting ang panga nya at mas diniin ang sarili sa akin.

"Get off me!" I punched his chest. "Victor ano ba! Let me work in peace!"

"I said we need to talk. And quit calling me Victor!"

"Paano tayo mag uusap kung iniipit mo ako sa katawan mo?"

"First, have some respect. Magpaalam kapag tapos na tayo."

"Psh. You obviously done that with your girls." I even rolled my eyes.

"Di ka sure."

"Ano bang problema mo? Nagtatrabaho ako, pwede ba?" Halos umirap na ako sa kanya.

"Pumunta ka sa Palasyo? For what?"

I blinked and paused.

"Bakit hindi ka dumiretso sa condo ko?"

"Tss. Dahil lang diyan, Vini? Dahil lang diyan gagawa ka ng eskandalo sa loob ng auditorium?"

"You were not answering my calls and obviously ignoring me purposely."

"Such an immature, baby boy. I have work, I need to earn my own money. Hindi lang naman habangbuhay ay dapat akong nakadikit sayo."

"I can provide for your need."

"I don't need anything from you."

Tinulak ko na sya at tagumpay naman akong nakawala sa pagkakahawak nya sa akin. I crossed my arms on my chest and faced him.

"Wala ka bang pinagkakaabalahan? About the Sk Foundation?"

"About that, come with me."

"That's your job. Do it on your own. Besides you have Rashie on your side."

Into You (Lausingco Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon