Chapter Four

2K 64 10
                                    

Chapter Four

I remember him! Sya iyong lalaking natapakan ko ang paa sa Nami Island. That's why he looked familiar, uhuh.

Late ako nagising the other day. Pinadala nalang nina Papa ang breakfast ko sa hotel room namin. Wala iyong dalawa sa loob ng kwarto so maybe kasama sila ni Papa para sa business kineme nila.

I ate my breakfast alone. Planning to roam around the South Korea. Last two days na namin dito at hindi ko pa napupuntahan ang pinakamain reason ko. Iyong Namsan Tower. Maybe I should dragged the two ulupong later to accompany me. Heck.

After eating my breakfast, niligpit ko iyon para hindi na aayusin ng room service later. Humiga ako sa kama at palihim na ininda ang hangover ko. It still shocks!

Wala sa sariling napalingon ako sa cellphone ko. I grabbed it to check the time but I saw a bunch of missedcall coming from Vini.

Vini:
Morning. How's your sleep?

Mabilis akong napabangon sa kama at binasa ang iba pa nyang text.

Vini:
Still asleep?

Vini:
I left a missedcall. Text me when you woke up.

Natutup ko ang bibig ko. Okay, this is new. Not really new, some of my men blockmates that I like send text like this but why am I feeling different with Vini? Kasi ang sarap nya humalik? Oh no! That's not it!

Ako:
Morning. Just woke up.

Kakalapag ko palang ng cellphone ko ay tumunog na iyon.

Vini:
Got a hangover?

Magtitipa palang sana ako ng reply nang dumating ang sunod nyang text.

Vini:
I got an hangover with your lips.

My cheeks burned! I know this kind of tactics. Hello, may dalawa akong playboy na kapatid. For sure he's just doing this cause he's attracted to me or more like he wants to get in my panties.

But netherless, hindi naman ako tutol. Gwapo naman sya, full package. Tyaka, sure naman akong after this hindi na kami magkikita so might as well, go with the flow right?

I'm not getting any younger so might as well, I should enjoy this. God! You sound like a maniac waiting to happen, Emsi! Para ka nang mga kapatid mong hayok sa ganun!!

Nagcheck ako ng email pagkatapos dahil hindi ko na alam kung anong dapat kong isagot sa text nya. Narinig ko lang sa minsang usapan nina Earl at Ej na mas nakakachallenge daw kapag nagpapakipot ang babae. So ganun ang gagawin ko.

Naligo na din ako at nagsuot ng simpleng dress with my trench coat dahil hindi biro ang weather dito sa Korea.

"Hi! San kayo galing?" Bungad ko sa dalawa.

"Nag usap lang kami ni Papa sa business." Sagot ni Earl.

"San punta mo?" Ej asked.

"Ay! Tara! Samahan nyo naman akong mag uli! Punta tayo sa Namsan Tower!" Tili ko na may pagpalakpak pa.

"We're tired, pwede mamaya nalang? I need to sleep." Ngumuso ako kay Earl at sumulyap kay Ej na may kausap na sa phone.

"So in short, ayaw nyo kong samahan?"

"Hindi naman. Mamaya nalang." Sagot ni Ej na tumalikod na dahil tuluyan nang may kinausap sa phone.

"Ay hindi na! Ako nalang." Tunog nagtatampo iyon pero ang mamanhid ng mga kapatid ko.

"Okay. Take care, paalam ka kina Mama." Earl said before dropping himself at the bed.

I pouted even more and turned my back. Pabagsak kong sinara ang pinto ng hotel room namin. Dumiretso ako palabas ng Hotel. Chinat ko nalang si Mama na mag uuli muna ako and I'll take care of myself.

Into You (Lausingco Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon