Chapter Twenty Six

1.8K 59 8
                                    

Chapter Twenty Six

Noong magising ako ay mag isa nalang ako sa kwarto. I rubbed my eyes before standing up. Bahagyang nanlaki pa ang mata ko ng makitang may mga halaman dito sa loob ng kwarto nya.

Ang buong second floor nya ay buong kwarto nya. Walang kama at tanging cushion lang na may mga puting comforter ang nasa gitna. Mukhang na-adopt nya talaga ang buhay sa korea. May malaking closet doon sa gilid at mga cabinet ng mga gamit nya siguro. May computer table at may maliit na couch sa gilid malapit sa pinakang hagdan.

I carefully stood up and arranged the sheets. Umayos ako ng pagkakatayo ng makarinig ako ng pagtikhim sa likod ko. I looked back and saw Vini showing his cocky smile while staring at me. Doon ko lang natantong suot ko lang ay black lacy panty at ang tank top ko.

I cleared my throat.

"Let's eat. I cooked food." Iyon lang ang sinabi nya at bumaba na.

Hinanap ko iyong pants ko at nakita kong maayos na nakatupi iyon sa gilid. I wore it and went downstairs. Muntik pa akong mapatili nang hagilapin nya ang baywang ko. Hinila nya ako papunta sa kusina nya. And we started eating.

Kumurap ako nang matitigan sya. Doon lang nagsink in lahat ng sinabi nya sa akin kahapon. Iyong tungkol sa illegal drugs nya.

"What's on your thoughts?"

Napapitlag ako nang bigla syang magsalita. I looked away and took a sip on my glass.

"Emerald."

Tumikhim ako. "Ah, wala naman."

Hinuli nya ang mailap kong mga mata. Seryoso syang nakatitig sa akin. I gave him a silly smile.

"Naalala ko lang na may pupuntahan pala ako."

"Saan? Sa Attorney mo?" Umangat ang kilay nya.

"Hindi. Ahm." Ngumiwi ako.

"Stop dating him. He's not good for you."

"You don't get to tell me what to do."

"Just stating some facts."

Umismid ako. Hindi ba't ikaw ang hindi good para sa akin?

"How can you say those facts?"

"I just know. Sundin mo nalang ako."

"Walang tayo, Vini. Quit it."

Both of us fell silence after that. I offered for a help but he refuse to. Pumunta ako sa sala para hanapin ang bag ko. I immediately checked my phone. Wala namang ibang text bukod doon sa dalawang ulupong na hinahanap ako.

I felt Vini behind me. His strong arms wrapped on my waist ang pulled me closer to him.

"Vini, I need to go."

"Stay for awhile." He huskily murmured on my neck. "Ihahatid kita."

Napahawak ako sa kamay nyang gumapang sa dibdib ko. I pinched it causing for him to moaned near my ear.

A phone rang near us. Inabot nya iyon at mas hinila ako palapit sa kanya.

"Ano?" He said after answering the call. "Ipadala nyo na. Wala akong pakialam."

I looked at him. Kumunot ang noo nya at nagbago ang tono ng boses.

"How many times do I have to tell you that just do it. Don't blink, just do what I say."

His voice became scary. Hinaplos nya lang ang tiyan ko bago sya kumalma.

"Oo, tangina. Kapag pumalya kayo, huwag kayong papakita sakin."

Into You (Lausingco Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon