Chapter Thirty

1.9K 58 6
                                    

Chapter Thirty

"Is it true that you and Vini are seen in boracay?"

"Hindi po. Pero nasa bora ako last week, pero hindi ko po kasama si Vini." Mahinhin na sagot ni Rashie.

"Buy how will you explain this picture?"

Pinakita sa screen ang picture na galing sa IG.

"Uhm, edit po iyan."

Sumimangot ako at pinatay na ang tv. Padabog pa akong tumayo at pumunta ng kusina. I pick up the cheese and started eating after sitting on the kitchen island.

"Suskopo." Nagulat pa si Ate Doray nang makita ako. "May malaking daga."

Mas lalo akong ngumuso. Eh ano ba kasing pakialam ko sa kanila? Magdate sila, I don't care.

"Binully ka na naman ba ng mga kapatid mo?"

Umiling ako at sunod sunod na kumagat sa cheese.

"Anong problema?"

"Wala."

"Oh sige, pero huwag mong uubusin ang cheese. Uminom ka din ng tubig pagkatapos."

I nodded, still pouting.

Hindi ako pumasok today kasi tinamad ako. Paniguradong may sermon na naman ako kay Sir Gardo bukas, but whatever!

Since wala naman akong magawa. Nag-grocery nalang ako nang pang-samgyupsal. Bumili na din ako ng mga beer. Sinet up ko na sa bahay iyon at naupo sa kusina.

I started watching netflix. Try ko lang kung maganda iyong Elite. Trending kasi and I'm curious.

"Ate Doray! Gusto mo kong samahan?"

"Mamaya nalang. Madami pa kaming aayusin na mga damit nyo."

Tumango ako at nagsimula nang kainin ang mga naluto ko nang karne. Umiinom din ako ng beer. Minutes later, the door open and it revealed Primrose. She's holding a chicken bucket on her hand.

"I DMed you! Kainis, lakas mang inggit."

Oo nga pala, I posted a IG story while cooking the meat. Naupo sya sa tabi ko. Inabutan ko naman sya ng beer at chopsticks.

"What's up? You look upset?"

"Wala naman."

Primrose raised her brows at me. Sinubo nya muna ang kinakain nya.

"Come on, kulang nalang umiyak ka na. What is it?"

I looked away and drank on my beer. Then I flipped the meat and beef. Prim poked my arm.

"Emsi.."

"I never wanted to admit but I can't help it."

"Admit what?"

I sighed. "That I am inlove with Vini. Alam mo kung bakit? Kasi hindi pwede."

Her mouth formed into an O shaped.

"Vini Acosta? Iyong hunky na anak ng presidente at iyong crush mo na sinasabi sa gc?"

"Tss."

"Inlove ka na sa kanya? Okay. Eh bakit naman hindi pwede? Kriminal ba sya?" Sinundan nya ng tawa iyon. "I mean, not like kriminal talaga. E, diba he's with Rashie na?"

"He told me he love me."

"Oh my god! Go na! Sabi nga ng globe go lang ng go."

"Prim naman!" Sinabunutan ko sya na kinatawa nya lang.

"Joke lang naman. Pero, kung sinabi nyang mahal ka nya then he's with Rashie na. Playboy din like our cousins?"

"I don't know. He doesn't want to love me na."

Into You (Lausingco Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon