Chapter Nineteen

1.8K 55 18
                                    

Chapter Nineteen

Tila parang apoy na inupos ako matapos kong marinig iyon. I swallowed hard as I saw Vini lifted the side of his lips. I blinked twice and just like that, he went back on being the witty Vini.

Hinaplos nya ang braso ko at marahang pinisil iyon.

"You're doing illegal business?" Mahina ang boses ko.

Lumayo sya sa akin at umayos ng pagkakaupo. He nodded.

"T-totoo ba?"

He chuckled. "Yes."

"Like what?"

Sumulyap sya sa akin at tumitig sa mata ko. I waited for his answer.

"Vini?"

"Transaction, baby girl..." putol putol nyang sabi.

"Included ang drugs?"

Tinagilid nya ang ulo nya sa akin at matagal akong tinitigan. Lumunok ako dala ng kakaibang intensidad ng titig nya. Hindi ko mabasa kung anong ibig sabihin ng pagtitig nya pero sa loob loob ko, gusto ko nalang manahimik.

"Ano sa tingin mo?"

Umiwas ako ng tingin at sumimsim sa baso ko. My heart's pounding so hard right now. Pagkatapos ay hinarap ko sya at halos mapasinghap ako sa mariin nyang titig sa akin.

"I--" naputol ang pagsasalita ko nang tumunog ang doorbell.

Mabilis nyang sinulyapan iyon at binalik sa akin ang tingin. Nilingon ko ang pinto.

"I'll get it," tumayo sya at nagpunas ng tissue.

I blew a loud breath nang mawala sya sa tabi ko. Pumikit ako at nagbilang ng tatlo bago nagmulat uli.

What does he mean by that? Totoo ba? Totoo bang sinabi nya sa akin iyon lahat?

Pinagpatuloy ko ang pagkain hanggang sa makabalik sya sa tabi ko. May hawak na syang box ngayon.

"What is that?"

"Damn, order ni Vivien. Dito na naman nilagay na address."

Binasa ko ang pangalan sa ibabaw ng box. Puro make ups at isang ring light iyon. Binato nya iyon sa sofa at umupo sa tabi ko. Bumaling sya sa akin kaya ngumiti ako agad.

"Are you done eating?" I asked him.

"Oo."

I nodded and finished my food. Pagkatapos ay niligpit ko na iyon. Tinulungan nya akong ilagak ang mga ginamit naming pinggan sa lababo.

"Huwag mo nang hugasan."

"Just let me do it, Vini."

Hinawakan na naman nya ang baywang ko at sinandal ako sa sink.

"You're my visitor, hindi ka dapat gumagawa ng gawaing bahay dito sa condo ko."

I swallow as he pinned me on his body.

"Uh, o-okay.."

Binasa nya ang labi nya. Hinawakan ko naman ang magkabila nyang braso, umigting iyon bago sya bahagyang yumuko.

"Can I use your bathroom?"

Bumitaw sya sa akin at nilahad ang banyo sa tabi lang ng kusina nya. I immediately went inside and peed. Noong lumabas ako, nakita kong hinuhugasan na nya ang mga pinggan. Hubog na hubog ang pangupo nya sa suot na boxer.

"Baby girl, your phone's ringing."

Kumurap ako at atubiling nilapitan iyong bag ko. Nakita kong may tatlong missed call ang presidente sa akin. I sighed.

Into You (Lausingco Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon