Chapter Six

2.1K 72 12
                                    

Chapter Six

Oo, katangahan talaga iyong ginawa ko two years ago, hindi totally katangan kasi ginusto ko din naman. Well! I was really curious that time okay! I know I should stop thinking about it but how? Grabeng impact iyong iniwan nya sa akin noon ha!

I tried dating again, but everytime I'm going to kiss that guy, mukha ni Vini ang nakikita ko and that irritates me! Bakit? Dahil sya nakauna sakin? Was that a big deal? Hindi! Hindi talaga!

Ginulo ko ang buhok ko bago tumayo. Since hindi na din naman ako makatulog, four am palang pero bumangon na ako sa kama. Bumaba ako and I tried cooking for my breakfast. Ayoko namang mang istorbo pa para lang magpaluto kung kaya ko naman magprito ng itlog. Nagtimpla ako ng hot chocolate.

Taimtim akomg umupo sa dining table. Sumisikat na ang araw at dahil saglit na napatulala, may kung anong pumasok na naman sa utak ko.

Damn freaking mind! Dahil lang nakita mo si Vini, triggered kang maalala lahat ng ginawa nyo noong dalawang araw na iyon!? This is so stupid! Maybe I should try to avoid him and be professional! Kapag trabaho, trabaho lang!

Tangina! Kapag napapatingin ako sa kitchen sink, naiinis ako lalo. Tanginang utak ito, tuwang tuwa ka bang makita si Vini? Kung oo, pwes ako hindi!

Bumabalik sa isip ko lahat ng katangahan ko! Dang, Emsi! Akala ko ba hindi big deal? Hindi naman kasi talaga!

Nakasimangot na ako ng matapos ako mag almusal. Nagready na din ako dahil maaga ang call time ko sa studio ngayon.

I need to woke up Earl para magpahatid sa set ngayon. Eksakto lang ang dating ko. I fixed myself before I went on the platform.

Almost two hours akong naghahatid ng balita. At nasa ilalim ng mainit na araw. Dali dali akong pumasok sa tent namin at tinapat sakin ang electric fan.

"Tagal mo nang reporter, hanggang ngayon hindi ka pa din sanay sa ilalim ng araw?"

"Sanay naman! Kaya lang iyong kilikili ko, naglalawa na." I rolled my eyes on Jet. Isang camera man ko pa.

"Nakita ko iyong sagutan nyo nung anak noong presidente! You look desperate there, Emsi!"

"Shut up! Ayoko na maalala yun."

Matapos ng set namin ngayon, pumunta na kami sa studio ngayon. We greeted Sir Gardo when we entered our studio. Pinasadahan nya kami ng tingin lahat bago huminto sa akin.

"Miss Lausingco, sa office." Iyon lang at tumalikod na sya.

I make face after grabbing my phone. Sumunod na din agad ako kay Sir Gardo sa office. Pagpasok ko tinuro nya agad iyong upuan.

"Sir.."

"Hindi na kita babawalan sa ginawa mo sa Charity. Paulit ulit lang din naman, Emsi."

"Sir naman. Nagtanong lang ako, wala namang masama diba?"

"Whatever you say." Tinulak nya iyong folder sa harapan ko. I opened it. "Ayan na mga itatanong mo kay Mr. Vini Acosta. I already set up everything, nandyan na din ang address."

"Okay Sir. I'll proof read it. Kailan po ba ito?"

"Friday."

Tumango ako kahit na gusto kong umiling. I need to finish this damn interview.

Nagpaalam na ako kay Sir at bumalik sa studio. May pa-pizza kasi Kiray ngayon. Pinatulan ako at nagpaalam na din kalaunan.

Hindi sumasagot iyong dalawa kaya wala akong driver ngayon. Maybe I should asked Papa kung pwede na akong bumili ng sasakyan.

Into You (Lausingco Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon