Chapter Eleven

2K 70 23
                                    

Chapter Eleven

"What the fuck!?" Singhal ko sa kanya.

"Relax, hindi naman talaga kitang tayong dalawa iyon. Blurred diba?"

"Pero nagcomment ka!"

Yumuko sya at may tinipa sa cellphone nya bago inangat uli ang tingin sa akin.

"I deleted, okay na?"

"Kahit pa. Mga keyboard warriors ang mga fans kuno mo. For sure may screenshot na sila ng comment mong may pangalan ko!"

Pa-cool syang sumandal sa Hummer nya at humalukiphip. He's wearing a casual tshirt with his sweatpants.

"Buksan mo itong pinto."

He unlocked his car. I immediately went inside. Sinenyasan ko syang pumasok sa loob. Nakangisi ang gago.

"I have a proposal for you, Vini."

Tumango sya at niliko ang manibela.

"What is it? Matutuwa ba ako jan?"

"Uh.." Okay. Gagawin ko lang naman iyong inutos sa akin. "The Invitation? In SK?"

"What about it?"

"Sama mo ko. I'll accompany you."

Huminto ang sasakyan dahil sa traffic kaya nilingon nya ako.

"Hmm.. is that your proposal? Akala ko naman iimbitahin mo na ako sa hotel."

"Puro ba talaga kamanyakan ang nasa isip mo?"

Pinaglaruan nya ang labi nya at muling pinaandar ang sasakyan.

"Hindi naman. Kapag may kasama lang akong magandang babae." Walang abog nyang sagot. "Alam mo bang laman ng isip ko ngayon ay tayong dalawa... sa kama ko."

I slapped his mouth. Humalakhak lang sya sa akin.

"Umayos ka nga!? Hindi ka ba talaga makakausap ng matino?"

"Galit ka na ba niyan?"

"Tss. Ibaba mo na nga ako jan sa kanto."

"Ayaw ko. And about your proposal more like a demand? What would I get in return? Paalala ko lang, Miss Lausingco, wala ng libre ngayon."

"Well, alam ko namang papayag kang isama ko."

"Wow! Ganoon na din kataas ang tingin mo sa self confidence mo, baby girl?"

Tumango ako.

"Okay, alright! I was about to ask you that. Naunahan mo lang ako."

Dire diretso lang kami hanggang sa iliko nya sa may kanto ng isang condo building doon. Alerto akong napaayos ng upo ko.

"Nasan tayo?"

"Condo ko." He simply said.

"Bakit?"

"Bakit nga ba?" Mapatuya nyang sabi.

He parked his Hummer in the parking. Bumaba sya at pinagbuksan ako ng pinto dahil wala akong planong bumaba talaga.

"Halika na, baby girl..."

"Ayoko Vini!"

"Bumaba ka na."

Pinanliitan ko sya ng mata. He smiled cutely at me. Kinalas nya ang seatbelt ko at lumapit sa akin, naiurong ko tuloy ang katawan ko sa sandalan.

"Relax..."

"I don't trust you."

Umangat ang gilid ng labi nya at bumaba ang tingin sa labi ko.

"You don't? Pero noong nasa Korea tayo, pinagkatiwalaan mo agad ako kahit dalawang beses mo palang akong nakikilala?"

Into You (Lausingco Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon