Chapter Twenty Five

1.9K 63 9
                                    

Chapter Twenty Five

"Mama, I'm fine." Makailang ulit kong sabi kay Mama dahil kanina nya pa tinitingnan ang leegan ko.

"Ano na naman ba kasing pinaggagagawa mo?"

"I just do my job. Kasalanan ko bang maprovoke sila?"

"Bitch." Earl said.

"Earl Javes!" Mama gasped.

I pouted, bumuntong hininga si Papa. Ito ang ayaw ko kapag nababalitaan nila ang mga nangyayari sa akin. Naiistorbo ko sila sa mga trabaho nila.

"Hindi ka pa din magreresign?" Papa then asked me.

"Papa."

"The first one, someone tried to kidnapped you. Second, someone tried to rape you. Third, you got almost hit by a ragging car. At ngayon? May sumakal sayo." Tila hirap na sabi ni Papa. "Hindi mo ba alam na halos atakihin kami ng Mama mo kapag nababalitaan ang mga iyan?"

Yumuko ako. "Sorry Papa,"

"Magresign ka na." Si Mama naman.

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko.

"Magresign ka na, Emerald. Be a manager on our Hotel." Tila sumusukong sabi ni Papa. "Please, anak. Alam kong kaya mo ang sarili mo but not like this."

I sighed. Sa totoo lang, wala naman talaga akong habol sa Hotel. Gusto ko lang maging reporter at gumawa ng sarili kong pangalan na pwede kong ipantay sa dalawa kong kapatid. Pareho silang matalino, so I have to stand on my own. I'm a bitch, I can handle myself very well.

"Pero Papa," I blinked a couple of times. "You know that my dream is to be a reporter."

"But not like this, Emerald!"

"Pa... Ayoko pong magresign. I wanted to pursue this po. Please."

"Makinig ka sa amin ng Papa mo, Emerald." Hinaplos ni Mama ang braso ko.

Sinulyapan ko ang dalawang ulupong na nakamasid lang sa amin. Kumibit balikat si Earl habang napapailing naman si Ej sa akin.

"Magfile nalang ako ng leave, pero hindi resign papers."

Napahilot si Papa sa sinabi ko. Kapagkuwan ay napatango naman sya agad. Aapela sana si Mama pero inilingan sya ni Papa so ang ending, nagkasundo kaming lahat sa pagfile ko ng almost two months na leave. Nag aalangan pa nga ako na baka hindi ako payagan ni Sir Gardo pero wala na akong nasabi nang si Papa na mismo ang tumawag sa opisina para irequest ang leave ko. Bukas, personal kong ihaharap kay Sir ang paper para sa leave ko.

Aish.

We eat lunch together bago tumulak sa trabaho si Ej at Earl. Nagstay pa si Mama para lang masigurong maayos talaga ako. Kundi lang may importanteng meeting si Papa ay paniguradong hindi nya pa ako iiwan dito ngayon.

Paulit ulit nyang binilin kay Ate Doray ang mga binilin nya din sa akin. Aish, napaka over reacting naman ni Mama.

"Dito kami uuwi mamaya. Take a rest first." Iyon ang huling sinabi ni Mama bago sila tuluyang umalis.

Nagkulong nalang ako sa kwarto at sinubukang matulog pero fail. Gumawa nalang ako ng request paper para sa leave ko, I printed out the paper para hindi ko na aasikasuhin to bukas.

Pagkatapos ay nagscroll ako sa social media. Kumalat pala doon ang news about the SK Foundation. Highlight si Vini at Rashie dahil sila ang partner ng project na ito.

Okay naman si Vini sa buong media, kaso ang drag race, hindi na ata mawawala sa kanya. Last night, tumakas talaga ako kay Ej para lang samahan si Vini sa isang drag race. Kaninang umaga nya ako hinatid dito sa bahay. Gusto nya sanang sa condo ako matulog pero hindi ako pumayag, dahil bibisita nga sina Mama ngayon.

Into You (Lausingco Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon