Chapter Thirteen

2K 65 29
                                    

Chapter Thirteen

Maaga akong natulog kagabi at hindi nalang pinatulan lahat ng panlalandi ni Vini. I woke up early the next day. Wala pang liwanag pero nagsimula na akong tumakbo para sa daily routine ko.

After that, umuwi na din ako. Pinunasan ko ang pawis ko nang tumunog ang cellphone ko. I rolled my eyes when I saw Vini's name on the screen. Ang kulit.

Pinaplano ko pa nga kung anong best way na pangseduce sa kanya para hindi ako iyong natatameme lagi sa aming dalawa.

We ate breakfast and after that, trabaho na uli si Papa sa Sariaya branch ng Hotel. Si Mama ay busy sa pag aayos ng mga stocks sa kusina at si Earl, humaharok pa sa kwarto nya.

"Emsi," Mama called me. "I already contancted Adie for your dress sa The Invitation."

"Mama, reporter lang po ako doon kaya dapat hindi ka na nag abala."

"Still. Maraming kilalang tao ang dadalo doon. And invited din kami ng Papa mo, baka humabol kami. Tyaka Lausingco ka."

"Pero Mama, icocoverage ko lang naman iyon."

Winasiwas ni Mama ang kamay nya sa harapan ko.

"You still have to look presented."

Lumapit ako sa kanya at kinuha iyong kalahati noong cheese. Hinampas nya ng mabilis ang kamay ko.

"Emerald ha."

"Mama naman."

"Maalat iyan!"

"Para namang hindi ka pa sanay? Halos ako lang ang kumakain ng mga cheese dito sa bahay."

Nasapo nya ang noo nya at umiling iling. I kissed her forehead and headed my way to my room.

"Emsi! Mamaya idedeliver iyong damit mo!" Pahabol ni Mama bago ko maisara ang pinto.

"Opo!" I shouted back.

Binuksan ko ang laptop ko to search for something while munching on my cheese.

Tanghali na noong bumaba ako. Tahimik sa ibaba kaya wala akong ideya kung nasan na naman ang mga tao dito. Sumilip ako sa kusina at nakita doon sina Manang.

"Si Mama?"

"Lumabas saglit. Baka nasa mga Aguilar." I nodded.

"Si Earl? Humaharok pa?"

"Kakagising lang. May kausap sa telepono."

Nagpasalamat ako kina Manang at naupo sa sofa sa sala kundi ko lang narinig si Earl sa veranda.

"May drag race mamaya? Sa Tayabas? Oo, nunuod ako. Baka may mga illegal drugs dun ha. Aba'y gago syempre hindi mawawala iyon."

My brows rose up. Drag race?

"Geh. I'll call you."

Tinuon ko ang atensyon ko sa tv nang pumasok si Earl. Naupo sya sa tabi ko at hinilot ang noo.

"Sinong kausap mo?"

"Zild."

"Oh? Nandito sya ngayon?"

He nodded. "Nag aayang manuod ng drag race mamaya."

"Bawal iyon diba?"

"May mga permit tyaka gabi naman para walang maperwisyo."

"Sama."

Minulat nya ang mata nya at tumingin sa akin.

"Hindi pwede dun. Maraming walanghiya doon."

Into You (Lausingco Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon