Chapter Sixteen

1.9K 65 16
                                    

Chapter SEXteen

Warning...

"What?" He asked when he caught me staring at him.

I shooked my head and smirked at him. Umayos ako ng upo nang makita kong iniliko nya ang sasakyan papasok sa isang exclusive village.

"This is where you live?"

"Binili ni Mommy iyong isang bahay dito."

Humabol tingin ako sa mga nadadaanang mga bahay. Halos kasing laki lang ng mansyon namin iyon lahat. Pero kahit na, exclusive village ito. Damn.

Tumigil kami sa isang glass house. Bumusina sya at  binuksan ng isang dalagang babae ang gate. Pinasok ni Vini ang sasakyan doon sa grahe na may tatlong sasakyan pang nakaparada.

Bumaba sya kaya sumunod ako. He locked his Hummer.

"Kuya Vini, ang akala ko po sumabay na kayo pabalik ng manila kina Ma'am at Sir."

"Bukas nalang ako babalik. San si Nanay mo?"

"Nasa loob po."

Binalingan nya ako kaya napatingin sa akin iyong dalaga. She smiled at me.

"Faye, sabihan mo si Nanay Minda na umuwi muna kayo. Ako na muna ang bahala dito." Tinapik nya ang balikat noong dalaga.

Tumango iyon at tumakbo na papasok sa loob ng glass mansion.

"Halika na."

"Sainyo to? Wow! Ang ganda!" Mangha kong sabi.

Sumunod ako sa kanya sa loob. Nasalubong namin iyong isang matandang babae at iyong dalaga kanina.

"Hijo,"

"Nanay! Ako na muna bahala dito. Uwi na po muna kayo."

"Sigurado ka ba? Nagiwan na ako ng lutong pagkain jan." Tinanguhan ako noong matanda. "Magandang araw po."

"She's a friend, Nanay Minda."

Tumango ako ng tipid. Pero hindi ako ngumiti. May pagkasuplada ako, wala kayong magagawa doon.

"Bueno. Maiwan na muna namin kayo."

"Salamat Nay."

I started to roamed around their house. It is really a glass house! May naglalakihang chandelier at may grand staircase. Mas malaki pa sa mansyon namin.

Malawak ang living room na may kumpletong sala set. Nahinto lang ang pagtitingin ko nang mahagip ng mata ko si Vini na seryosong nakatitig sa akin.

"Are you hungry?" Tanong nya. "May lutong ulam sa kusina."

Hinubad nya ang sapatos at nilagak sa gilid. Tapos isa isa nyang tinatanggal ang butones ng dress shirt nya habang nakatitig sa akin. I stared back at him. He sensually took off his dress shirt and place it on the sofa.

"Do you want to eat?" Sunod nyang tanong uli.

"May cheese?"

"Meron ata sa kusina." Lumakad sya doon kaya sumunod ako noong mahubad ko ang tsinelas ko.

Binato nya sa akin ang isang box ng eden, mabuti nalang at nasalo ko iyon.

"Ang gara ng bahay nyo ah. Kurap to?"

"Dugo't pawis ni Mommy ang pinambili nyang pera dito. How can you easily judge my family?"

"Iyong naunang presidente sa Papa mo, madaming nakurap na pera."

Napailing sya at binuksan ang ref. Kumuha sya ng canned beer at ice cubes.

"Hindi ganoon ang Tatay ko." Aniya.

Into You (Lausingco Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon