Chapter Thirty Seven

2.1K 65 8
                                    

Chapter Thirty Seven

Our family dinner went well. Maingay kami sa buong hapag kainan at hindi ko na maalala iyong huling ginawa namin ito. Strawberry came, may dala syang ice cream.

Elvis Lausingco being himself, he interviewed Vini and asked something about our relationship. I was listening at Vini as he speaks with polite to my father. Parang hindi walanghiyang lalaki ah?

ZK became extra clingy at me. He wants me to feed him his food. Binabawalan lang ni Sinag, sinabi ko naman na ayos lang. Panay nga ang kalabit ko sa pisngi ni ZK. He's just too cute.

After our dinner, Papa asked for a wine, since may dala kaming wine for him. Sa may gazebo kami sa gilid ng bahay sa may tabi ng swimming pool na piling pumwesto ni Mama.

Nagpaalam si Sinag na papatulugin na si ZK. Bago ako sumunod sa kanila ay kumuha muna ako ng cheese sa mga food compartment at lumabas na.

"Emerald, I told you to stop eating cheese."

"Mer, hayaan mo na. That's her favorite, you can't stop her."

I winked at Papa and sat beside Vini. He wrapped his arms on my waist.

"I've heard the news, balak mo bang tumakbo bilang Mayor?" Papa asked.

"It's just news Tito. Wala po sa isip ko ang pumasok sa politika."

Tumango ng marahan si Papa at sumimsim sa wine nya.

"Mabuti kung ganun. Magulo ang politika,"

"It depends on how you treat everyone."

"Anyway, hijo. Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?" Singit ni Mama.

Vini cleared his throat and took a glance on my side.

"I do business, Tita. At may bagong project ang SK foundation so I will be very busy."

Madami pa silang napag usapan nina Mama. Nakikinig ako at kapagkuwan ay sumasagot kapag kailangan.

Almost eleven o'clock when Papa called it a day. They offered Vini to sleep one of our guest rooms but he declined. May bahay naman kasi sila dito sa Lucena so it's not a big deal.

Hinatid ko sya sa gate pagkatapos tumaas nina Mama.

"I'll see you tomorrow again. Kelan ka ba babalik sa trabaho?"

"By monday na siguro. Sabay na tayo?"

"Alright. May titignan din ako sa SK housing dito bukas. Do you want to come?"

"Sige, just text me. Ingat ka sa pagmamaneho."

Inisang hilahan nya ako palapit sa kanya, inangat ko ng bahagya ang sarili para maabot ang labi nya.

The next day, binisita nya lang ang naging project ng SK dito at ang ibang mga library na pinatayo. I wasn't that surprise na nandito din si Rashie.

I let them talk while I quickly tour myself around. Pagkatapos ay naupo ako sa isa sa mga upuan sa garden. I sighed.

Hindi ko na makita si Vini at Rashie. Pumasok ako sa mismong library at nakita silang may inaayos na libro.

"Vini," I softly called him.

Nahinto ang pagtawa ni Rashie at sabay silang bumaling sa akin.

"Are you done?"

"Yes baby girl. Wait, tinutulungan ko lang si Rashie."

I secretly scanned Rashie, at lihim din akong umirap. Lately, palagi na silang magkasama ni Vini dahil may bagong business ang Mama nito at si Madam Roma.

Into You (Lausingco Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon