Chapter 3

7K 169 41
                                    

Dalawang linggo na at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung sino ang nag text sa akin bago ako matulog. Bukod doon ay hindi ko rin maintindihan ang ibig niyang sabihin.

Is that some sort of prank? Or is that a threat? Pero anong banta kung sakali? Wala naman akong nakaka-away sa pagkaka-alala ko.

"Good morning, ate!" bati sa akin ni Lezzie. Ginising na niya ako kanina para magkasabay na kaming tatlo kumain. Pero hindi kaagad ako bumaba dahil sa mga iniisip kaya't binalikan niya ako sa kwarto.

"Good morning! Eto na bababa na 'ko." tumango nalang siya at umalis na.

Bumaba na ako at tumulong sa paghahanda ng mga pagkain. Kung tutuusin dapat ay ako na lamang ang gumagawa nito dahil marami pang ibabalot si nanay mamaya.

Sa isang restaurant naman kami magde-deliver ngayon dahil kakilala rin namin ang manager doon. Madalang lang silang umorder pero maramihan naman.

"Ako na dyan, nay." Agaw ko sa kanya sa sinangag na ilalagay sa lamesa. She smiled at iniabot na rin sa akin.

"Nay, ilan ang order ni Ate Sally?" I asked her. Sinalinan ko na rin ng sinangag ang plato ang kapatid ko. Bagay na gustong-gusto kong ginagawa. Simple thing na parang pinag sisilbihan ko na sila.

"Apat na paper bag din kaya papasamahan na kita sa tricycle driver na madalas maghatid kay Lezzie." sabi niya.

Tumango nalang ako at umupo na sa mesa. Kalaunan ay si nanay naman ang pumwesto. Nagdasal kami at nagpasalamat sa Kanya bago kami kumain.

Napuno ng kwentuhan ang hapag-kainan. Isang bagay na ipinagpapasalamat ko kahit na hindi kami kumpleto.

Ilang taon palang ako noong iwanan kami ng tatay ko para sa ibang babae. Iniwan niya kami kahit dalawang taong gulang pa lamang noon si Lezzie. Hirap na hirap kami noon dahil si tatay lang ang inaasahan naming magtrabaho, kailangan kasi ni nanay alagaan si Lezzie. Kaya noong umalis siya ay para kaming iniwan na rin ng mundo.

Pero hindi iyon naging dahilan para hayaan naming malunod kami sa kalungkutan. Bumangon kami at nagpatuloy.

PAGKARATING ko sa restaurant na pinagtatrabahuhan ni Ate Sally. Kaunti lamang ang tao sa loob. Malamang ay mayayaman ang mga ito dahil mamahalin din ang mga pagkain na inihahain dito.

"Yan na ba 'yun, Hydra?" tanong niya sa akin matapos makita ang mga dala kong paper bags.

"Opo, Ate Sally. Pinasobrahan na rin yan ni nanay ng dalawa. Salamat po."

Tumango siya at iniabot sa akin ang bayad. Ngumiti ako at inilibot ang paningin sa kabuuan ng restaurant na 'to. Grabe dalawang beses palang ako nakakapunta rito dahil madalas ay si nanay ang naghahatid ng order.

This place screams money. Ang ganda ng interior design na halatang ginugulan ng pera. Sino kaya ang may-ari nito?

Naglalakad ako habang tinatanaw tanaw pa rin ang kabuuan hanggang sa may nabangga akong waitress at naitapon nito ang dalang juice sa table na katapat.

"Look what you've done!" pasigaw na sabi ng babae na nakaupo kanina.

"Are you stupid, huh?" tanong niya sa waitress. Nakita ko namang namutla ito dahil malamang ay mapagalitan siya ng manager.

"M-ma'am. I'm sorry po." nanginig pa ang boses niya habang humihingi ng tawad. Sandali wala naman siyang kasalanan.

"Kapag nalaman ito ng boyfriend ko, mag goodbye ka na sa trabaho mo!" patuloy pa itong sumigaw hanggang sa nakuha na nito ang atensyon ng
mga tao.

"Sandali lang po, ma'am. Wala po siyang kasalanan. Ako po ang dapat managot." nakita ko ang pagtaas ng kilay niya sa sinabi ko.

Huwag sana ako pagbayarin nang malaki. Mukha pa namang mamahalin ang damit niyang natapunan.

BS1: The Fallen Bachelor || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon