Sa gulat ko ay kaagad ko siyang naitulak. Tumitig siya sa akin at muli akong hinalikan. Naguguluhan ako sa kinikilos niya ngunit hindi ko mapagkakaila ang matamis na lasa ng malalambot niyang mga labi.
Gaganti pa lamang ako ng halik sa kanya ay bigla na niyang inilayo ang kanyang mga labi.
"Go back to sleep." sabi niya sa akin habang hinahaplos pa ang pisngi ko.
Nakuha ko pang pumikit habang dinarama ang haplos niya. Ngunit makalipas ng ilang segundo ay hindi ko na ito maramdaman kaya dumilat ako.
Ang bwisit nakahiga na patalikod. Para bang walang nangyari. Siguro ay normal nalang sa kanya ang biglang paghalik sa mga babae. Para bang walang ibang nakakaramdam kundi siya... tipo na akala niya ay walang masasaktan.
Mas lumayo pa ako at nahiga sa bandang kabilang dulo ng kama. Iniharang ko na ulit ang nagulong unan.
Huwag kang umasa na may kahulugan ang halik niya, Hydra. Baka trip niya lang 'yun. Tignan mo nga at kung maka asta siya ay parang wala lang ang mga halik na 'yun.
Aminin na natin na ako lang ang may gusto nun kahit siya pa ang nag initiate.
"By the way," napatingin ako bigla sa kanya nang marinig siyang magsalita. Nagtama ang mga mata namin. "Bukas ang taping ni Clint. You need to wake up early if you want to come with me."
Ang kaninang lungkot ko dahil sa kanya ay napalitan ng saya sa kaalamang makikita ko na idol ko. Grabe kahit isang Clint lang bilang jowa kahit hindi na si Anthony na sobrang sungit.
"Thank you!" bigla ay sumigla ako. Kailangan ko na matulog para magising ako nang maaga. Malamang kapag mahimbing ang tulog ko ay iwanan ako nitong kasama ko. Napaka bwisit pa naman!
Nakita ko siyang tumango at tumalikod na ulit ako. Baby, makikita mo na ninong mo. Malay mo naman, diba? Pwede natin siya kunin na ninong kasi kaibigan naman siya ng Papa mo.
NANG MAGISING ay kaagad akong napabangon dahilan nang biglang pagkahilo. Luminga-linga ako at hindi ko na siya makita sa kwarto.
"Patay! Mukhang iniwan na tayo, baby" kaagad ko kinuha ang twalya at damit ko pang-alis.
Pumasok na ako sa banyo at nagulat sa nakita ko. Si Anthony, walang saplot at nakatapat sa shower. Natulos ako sa kinatatayuan ko kaya nang maramdaman niya ang presensya ko ay kaagad siyang napatingin sa gawi ko.
"Uh, labas na 'ko!" dali-dali kong sinarado ang pinto at isinandal ko pa ang katawan doon. "B-bakit kasi hindi siya nag lock?"
Ang laki nung nakita ko. Paano nagkasya sa'kin 'yun? Ano ba, Hydra! Kung ano-ano iniisip mo.
Naglakad na ako papunta sa kama at umupo roon. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko kapag nakita ko siya.
"I'm done." napatingin ako sa gawi niya at nanghinayang nang makita na may saplot na siya--- este nahihiya ako sa kanya dahil aksidente akong pumasok sa banyo na nandun siya.
Hindi ko na siya pinansin at nagtungo na sa banyo pero bago pa ako makapasok ay narinig ko siyang nagsalita.
"Lock that goddamn door! Hindi mo gugustuhin kung ako ang papasok dyan habang nasa loob ka," sabi niya at ako naman ay napatango lang.
Ano? Ako papasukin niya? Bakit hindi niya subukan?
Hydra, humaharot ka na. Hindi ka naman ganyan dati. O baka maharot ka na talaga pero wala ka lang mapagbuntungan tapos ngayon si Anthony na pupunterya mo?
Meron na akong mga gamit pampaligo rito. Wala naman ito kagabi ah! Sabagay baka ayaw niyang ginagamit ang gamit niya kaya napilitan siyang bilhan ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/228974318-288-k77214.jpg)
BINABASA MO ANG
BS1: The Fallen Bachelor || ✓
Roman d'amourBillionaire Series #1 Aiming to be successful and reach her dreams, Hydra Katelyn Mercado is doing everything she can to save money to go to college. Naka plano na lahat ng mangyayari sa buhay niya. Magtatapos siya ng pag-aaral at ipagpapatuloy ang...