Chapter 16

5.5K 135 4
                                        

A/N: Late nanaman mag update. Sorry na talaga.




Pagkatapos din kumain, maligo at magbihis ay umalis na rin kami ni Anthony. Gumawa ako ng listahan kung saan kami pupunta at ang pinakahuli sa listahan ko ang Intramuros. Mas maganda kasi magpunta ron kapag gabi.

"Where do you want us to go first?" bumaling siya sa akin sandali habang nagmamaneho.

"Perya!" masigla kong sabi. Sana lang ay may pera sa ganitong season. Gusto ko yung pang masa lang. Ayoko ng bongga.

"Wait. Enchanted Kingdom?"

Umiling ako. "Ayoko. Gusto ko sa perya na nadadaanan lang. Yung walang entrance fee."

Nag-isip siya at malamang ay nakaisip na siya ng lugar dahil nakita ko ang pagsupil ng ngiti sa mga labi niya.

Isang oras mahigit lang ang itinagal ng byahe at sa malayo pa lang ay nakikita ko na ang ferris wheel na hindi gaanong kataasan. Tama lang na makita mo ang mga kabahayan sa paligid.

Nang makaparada siya ay hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako dahil ako na ang kusang lumabas ng kotse.

"Careful!" sigaw niya nang mabilis akong lumapit sa entrance at hinintay siya.

"Bilisan mo naman! Pagong ka ba?" biro ko sa kanya at sinensyasan ko pa na bilisan.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya na nauwi sa pag ngiti. Pinatunog niya ang sasakyan at tsaka mabilis na nagpunta sa pwesto ko.

"Safe ba rito?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako at nag thumbs up.

Pagkapasok namin ay ang mga munting palaro kaagad ang bumungad sa akin. May mga stalls na ang mapapanalunan ay teddy bears at mga laruan. Meron naman na baso at kung ano pang mga kasangkapan.

May teddy bear na pumukaw ng pansin ko. "Hello Kitty!" sigaw ko at hinawakan si Anthony tsaka iginiya papunta dun.

"Do you want that?" tumango ako na parang bata. Grabe ngayon lang ulit ako nakapasok sa perya. Hindi ko na matandaan kung ilang taon ako noon.

"Paano po ito laruin?" tanong ko sa lalaki na nagbabantay ng stall.

"Kailangan niyo lang po maka shoot ng pito sa sampung pambala na ibibigay ko." sabi niya sabay turo sa mga bilog na kailangang I shoot sa kahit saang bote na nakalagay sa harap, malayo-layo sa amin.

"7 out of 10. I can do that." may kumpyansa niyang sabi. Nagbayad siya sa lalaki para mabigyan siya ng pambala. Mabuti na lang ay sinabi ko sa kanya na wag magdala ng card lang dahil hindi kami sa pang mamahaling lugar pupunta.

Huminga siya nang malalim at nag stretch pa. Ginalaw-galaw ang ulo at mga braso na para bang isang marathon at kung anong laro ang gagawin. Samantalang ihahagis lang naman niya yung bilog.

Nag bend siya at tinantya ang mga bote. Nakita kong nakukuha na namin ang atensyon ng mga tao. Sa gwapo ba naman nitong kasama ko ay makukuha niya talaga ang mata ng mga nagdaraang tao.

"Go kuya!" dinig kong sigaw ng kung sino at nakita ko ang bata na may dalang basket na malamang ay pagkain na kanyang ititinda.

Hindi niya ito pinansin at inasinta na ang bote. Sa unang hagis ay pumasok ang bilog sa bote. Sakto! Narinig ko ang palakpakan ng mga tao.

Humarap siya sa akin at bigla akong hinalikan sa labi at biglang hinagis ang isa pang bilog nang hindi tumitingin. Kumalas ako nang marinig ang hiyawan at palakpakan ng mga tao. Tumingin ako sa bote at nahulog niya ulit.

BS1: The Fallen Bachelor || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon