"Sino ang tatay niyan?" tanong sa akin ni Trix.
Sinabi ko na rin sa kanya ang balita. Noong una ay gulat na gulat pa 'yan at akala ay prank lang yung sinasabi ko pero noong ipakita ko yung resulta nung nagpunta ako sa ospital ay doon lang siya naniwala.
"Anthony Villacorta."
"Wait!" nakita kong nanlaki ang mata niya at tinakpan pa ang labi. "You mean the hot bachelor chef? Anthony Jimuen Villacorta?"
Tumango ako. Ako lang yata ang napag-iiwanan sa balita. Kung hindi pa nangyari sa akin ito ay hindi ko pa siya makikilala.
"Anong sabi niya? Nakausap mo na ba?" tanong niya sa akin na nagpatigil at nagparamdam ulit sa akin ang lamig.
Naalala ko nanaman kung paano niya ako tanungin sa halaga raw ng pera na gusto ko. Parang kahit ako ay naawa sa sarili ko kahit hindi naman iyon ang intensyon ko.
Oo, mahirap lang kami at patuloy na kinakaya ang buhay pero kahit kailan ay hindi ako gagawa ng kung anong kalokohan at kasinungalingan.
"Tinanong niya ako kung magkano ang pera na gusto ko." mahinang sabi ko.
"Ano? Sinabi niya 'yun? Lintek pala siya eh! Huwag siyang magpapakita sa akin at puputulan ko siya ng future!"
Nakita kong kinuha ni Trixie ang cellphone niya at parang may hinahanap na kung ano. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang nakita ko ang panlalaki ng mata niya.
"OMG!" tumabi siya sa akin at ipinakita ang nasa screen. "Hinanap ko pangalan niya sa internet and tignan mo yung latest news tungkol sa kanya."
TODAY's HEADLINE: One of the most sought bachelor Anthony Jimuen Villacorta has fallen.
BAGO NGAYON: Anthony Jimuen Villacorta, tinatakbuhan ang responsibilidad bilang isang ama.
"A-ko ba ang tinutukoy dyan? O baka may iba pa siyang nabuntis na babae?"
Tinignan namin ang article at confirm! Ako nga ang nasa picture. Ito yung nasa restaurant kami at binuhusan ko siya ng tubig sa mukha. Ang buong akala ko ay walang ibang nakakita nung nangyari.
"Ikaw nga 'to, bes! Grabe ang eksena niyo ah mala Cherry Gill!" natatawang sabi niya at pumalakpak pa.
Binasa ko lahat ng articles tungkol sa kanya at mabuti naman ay wala ni sinumang nagbanggit ng pangalan ko. Siguro ay hindi ako kilala nung uploader ng picture at hindi ako namumukhaan.
Habang nags-scroll ako sa cellphone ni Trix ay nakareceive naman ako ng text. Nagulat ako na galing ito sa tatay ng anak ko. Nang mabasa ang message niya ay parang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko.
From: Anthony Villacorta
This is your fucking fault!Paanong naging kasalanan ko? Oo at kinausap ko siya pero kasalanan ko ba na may nakakita nung eksena namin sa restaurant niya? Bwisit!
To: Anthony Villacorta
Bakit parang kasalanan ko?Pinatay ko na ang cellphone ko para hindi na siya makapag text pa. Pinapainit niya ang ulo ko. Kasalanan ko ba na ayaw niya akong panindigan?
"Kumain na muna kayo." sabi ni nanay nang pumasok siya sa kwarto ko.
"Spaghetti 'to. Paborito niyo pareho. Anak, nandyan na rin ang vitamins mo. Inumin mo 'yan para sa inyo ng apo ko." nakangiti niyang sabi sa akin.
Pagkalapag ng pagkain ay kaagad na siyang lumabas ng kwarto. Napakabuti talaga ng nanay ko.
"Mahal na mahal talaga ako ni Tita." pag-iinarte nitong katabi ko na napahawak pa sa dibdib niya. Assuming.
BINABASA MO ANG
BS1: The Fallen Bachelor || ✓
RomanceBillionaire Series #1 Aiming to be successful and reach her dreams, Hydra Katelyn Mercado is doing everything she can to save money to go to college. Naka plano na lahat ng mangyayari sa buhay niya. Magtatapos siya ng pag-aaral at ipagpapatuloy ang...