Last chapter.
Nung araw na iyon ay ikinasal nga kaming dalawa. Paglabas ko ng garden ay nakaayos ito at naghihintay na ang judge na magkakasal sa amin.
"Hindi na ako makapaghintay na maging asawa mo." tanda kong sabi niya.
Kaming pamilya lang ang nandun para maging witness.
Hindi ko alam kung paanong nakabili si Anthony ng white dress habang lahat kami ay tulog na. Basta pagkagising ko ay nakahanda na lahat ng gamit ko mula ulo hanggang paa.
Sobrang saya. Ibang-iba sa pakiramdam dahil habang nangangako kami sa isa't-isa ay hindi namin pareho mapigilan na mapaiyak. Halos lahat nga yata ng nandun ay ganun ang naging reaction maliban kay Jamie na tuwang-tuwa lang at hawak ang camera.
Naging Mrs. Anthony Jimuen Villacorta ako nung araw na 'yon. Kahit ipinangako niya sa akin na papakasalan niya pa rin ako sa simbahan, sa mas enggrandeng paraan, ako na mismo ang nagsabi sa kanya na ikasal nalang ulit kami pagkatapos ng Graduation ko.
Noong una ay ayaw niya pang pumayag pero pinaalala ko sa kanya na wala akong kawala dahil nakatali na ako sa kanya at ganun din siya sa akin.
"BILISAN mo, Hydra at baka mahuli ka na!" dinig kong sigaw ni nanay mula sa baba. Dali kong isinuot ang heels ko na ilang inches lang ang taas at lumabas na rin.
Naabutan kong sinusuklayan ni Anthony si Jamie. At busy naman sa pag-aayos ng gamit sina nanay.
Simula noong ikinasal kami ay dito na ulit tumira sina Lezzie at nanay kasama namin. Sa katunayan ay matagal na silang pinipilit ni Tita Felicia pero ayaw ni nanay at may naiwan pa siyang trabaho sa probinsya at si Lezzie naman ay ayaw rin dahil minabuti niya munang tapusin ang pag-aaral niya.
"Let's go, mahal kong Magna Cum Laude!" sabi ni Anthony sabay pulupot ng braso sa bewang ko habang hawak niya sa Jamie. "I'm so proud of you." bulong niya sa akin bago kami sumakay lahat sa iisang van.
Ngayon gaganapin ang graduation ceremony kung saan kinilala ako bilang Magna Cum Laude ng aming batch. Noong una ay hindi ako makapaniwala. Oo at alam ko sa sarili kong pinagbutihan ko ngunit hindi naman talaga ako nag expect or umasa na makakakuha ako ng ganoong parangal at ganoong kataas na marka.
Dahil na rin siguro sa napakagaling ng guro ko rito sa bahay... ang mahal kong asawa.
From: Cheska ganda
Where are you? Malapit na mag start. Hindi naman siguro kayo nag quickie ng asawa mo bago ka magpunta diba?Natawa ako sa text niya. Kahit kailan talaga walang filter ang bibig niya. Hindi ko alam bakit puro ganun ang nagiging kaibigan ko. Si Trixie, si Allison at si Cheska. Paano ko kaya mahahandle ang ingay nilang tatlo kung magsama-sama na sila?
To: Cheska
Baliw ka talaga! Malapit na 'ko. Nandyan na rin ba si Angelo?From: Cheska
Yes. Nandun na siya sa pwesto niya. Ikaw nalang yata ang wala pa.Malamang ay kapansin pansin nga ang pagkawala ng presensya ko dahil pangalawa ako sa pila na magmamartsa papunta sa upuan ko. Ang sa harap ko ay si Angelo na Suma Cum Laude ng batch namin. Kung sakaling magsimula ang martsa ng wala ako ay mababakante ang upuan sa pinaka harap sa hanay ng mga babae.
To: Cheska
Nandito na kami."Dun lang kami sa bleachers sa bandang harap." tumango ako sa sinabi ni Anthony bago niya ako halikan sa noo. Humalik din ako kay Jamie bago sila umalis at ako naman ay nagpunta na sa aking pwesto.
Pagpunta sa pila ay tinapik ko kaagad sa balikat si Angelo na yumakap sa akin at bumati. Hindi naman kalayuan sa pila namin ay nandun si Cheska at nakikipag daldalan sa mga katabi niya na karamihan ay kaklase namin.
BINABASA MO ANG
BS1: The Fallen Bachelor || ✓
RomanceBillionaire Series #1 Aiming to be successful and reach her dreams, Hydra Katelyn Mercado is doing everything she can to save money to go to college. Naka plano na lahat ng mangyayari sa buhay niya. Magtatapos siya ng pag-aaral at ipagpapatuloy ang...