Kinabahan ako sa magiging reaksyon niya. Matapos kong umamin ay nakatingin lang siya sa akin at tahimik na umiiyak.
"Paano..." itinigil niya ang pagsasalita niya. Hinawakan niya ako sa mukha at tinuyo ang mga luha ko.
"Paano ang pangarap mo?" mahinahon niyang tanong. Lumukob ang kung anong pakiramdam sa akin.
Bakit hanggang ngayon, kapakanan ko ang iniisip niya? I'm expecting her to get mad at me. Kasi masasayang ang hirap niya sa pagtitinda at paglalako.
Hindi ko manlang siya makakitaan ng galit. Ibang iba sa iniisip ko yung pinapakita niya ngayon.
"N-nay..." niyakap ko siya at umiyak ako sa balikat niya. "I'm sorry. Patawarin mo 'ko."
"Huwag kang umiyak. Baka makasama sa bata." sabi niya habang hinahagod ang likod ko. Hindi ko mapigilan na mas lalong maiyak.
Hindi ko alam kung anong kabutihan ang ginawa ko nung past life ko at biniyayaan ako ng ganitong kabuting ina.
"Tara na sa loob. Mamahinga ka muna at kapag okay ka na, tsaka tayo mag-usap." tumango ako at sumabay sa kanya papasok.
Kaagad akong pumasok sa kwarto at nahiga. Ang daming pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam kung paano kong sisimulan ang bagong pagsubok na ito.
Tumunog ang cellphone ko at nakita ko na may bagong message rito. Unknown number ulit pero bago na ito.
Binuksan ko ang message at biglang nanlaki ang mata ko at biglang napaisip.
From: Unknown number
Good day, Hydra. Ako 'to si Prim. Can I call you?Tama! Malaki ang posibilidad na kilala ni Prim ang tatay ng anak ko. Kailangan ko lang siyang kausapin at hingin ang impormasyon ng lalaki na natulog sa isa sa mga guest rooms nila.
O18. Mabuti ay naaalala ko pa yung number bago ako magpunta sa kwarto namin ni Trix noon. Kailangan kong makausap si Prim at sana free siya.
Agad ko siyang tinawagan at tinanong kung pwede siya bukas. Mabuti at wala naman siyang gagawin at sabi niya ay wala rin siyang pasok dahil Sabado.
Kinakabahan ako dahil baka kapag nalaman ko kung sino ang tatay ng anak ko at kung kakausapin ko ito ay hindi siya maniwala.
Pero alam ko na kilala niya 'ko. Nagising ako noong umaga na wala siya at nauna siyang umalis kaya alam kong mamukukhaan at maaalala niya 'ko.
Hindi ko kailangan ng asawa o makakasama sa bahay. Kailangan ko lang nang susuporta sa anak ko dahil baka hindi namin kayanin ni nanay ang mga gastusin.
"NAY, may pupuntahan lang po ako," hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatingin ng maayos sa kanya. Nahihiya ako dahil hindi pa rin kami nakakapag-usap.
"Saan ka pupunta? Baka kung anong mangyari sa'yo at... sa dinadala mo." kita ang pag-aalala sa mukha niya.
Nginitian ko siya at niyakap.
"Ayos lang ako, nay. Sige na po at aalis na ako. Maaga naman po ako makakauwi dahil may kakausapin lang ako sandali."
"Sige. Basta mag-iingat ka."
Humalik ako sa pisngi niya at umalis na. Sinabi sa akin ni Prim na sa isang restaurant nalang kami magkita at noong makita ko ang address ay bigla akong kinabahan.
Sa restaurant ni Anthony. Sana wala dun yung girlfriend niya kundi nakakahiya kay Prim kung mag eeskandalo siya.
Pag nagkataon, first time ko makakakita na magharap ang isang evil at angel. Napakabait kaya ni Prim tapos yung jowa ng owner nung restaurant... nevermind.
![](https://img.wattpad.com/cover/228974318-288-k77214.jpg)
BINABASA MO ANG
BS1: The Fallen Bachelor || ✓
RomanceBillionaire Series #1 Aiming to be successful and reach her dreams, Hydra Katelyn Mercado is doing everything she can to save money to go to college. Naka plano na lahat ng mangyayari sa buhay niya. Magtatapos siya ng pag-aaral at ipagpapatuloy ang...