Nagulat pa si nanay nang dumalaw kami nung araw na 'yun. Alam niya kasi na meron akong pasok kaya ineexpect niya na kinabukasan pa kami makakapunta.
Hindi rin naman kami nagtagal dun dahil may pasok pa rin ako at may practice para sa group performance.
"Mama! There's someone outside. Ayaw po lumabas sa sasakyan eh kaya po di ko alam kung sino yun." sabi ni Jamie nang lumapit sa akin.
"Sige ako na bahala. Here's your milk. After mo uminom, punta ka na sa kwarto ha. You need to sleep early para lumaki ka pa lalo." tumango siya at kinuha ang gatas niya. Nag bake rin ako ng kaunting cookies dahil sa request niya.
Naglakad na ako papalabas para tignan ang sinasabi ni Jamie. Natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang napaka pamilyar na sasakyang iyon. Yan ang gamit namin kapag gusto namin magpunta sa mall, sa perya at kung saan pang lugar.
Kahit limang taon na ang nakalipas ay hindi ko pa rin makalimutan ang sasakyan niya na 'yan.
Dahan-dahang lumabas sa sasakyan na iyon ang tao na hindi ko kailanman ginusto na makita ulit. Nakatingin siya sa akin at kung may anong kislap sa kanyang mata. Hindi siya sa akin nakatingin. Kundi kay Jamie na ngayon ko lang napansing nasa tabi ko na pala.
"Papa?" tumingin sa akin si Jamie para kumpirmahin kung siya nga ang papa niya. Tumango ako at pinunas ang luha sa aking mga mata.
Nang makita kong kumislap ang mata niya sa saya at kalaunan ay umiyak rin, alam ko na ito na ang tamang panahon at hindi ko ipagkakait sa kanya yun.
"Papa!" tumakbo siya papunta sa gate at kahit na tumingkayad ay pinilit niyang buksan. Naririnig ko pa rin ang pag-iyak ng anak ko habang ako ay nandito pa rin sa pinto, hindi alam kung paano kikilos.
"Jamie..." mas lalo akong umiyak nang makita ko rin ang pag-iyak ni Anthony. Nakaluhod siya ngayon habang yakap-yakap ang anak namin. "Mahal na mahal kita, anak..."
Hilam na ako sa luha. Kahit nangangatog ako ay pinilit ko pa ring lumapit sa kanilang dalawa. Hindi ko kailanman naisip na makikita 'ko ang tagpong ito. Ang nasa isip ko ay itatakwil niya pa rin kami kaya hindi rin ako kailanman nagpasya na ipakilala si Jamie sa kanya.
"K-kung m-mahal mo ako, B-bakit po ngayon lang k-kayo nagpakita? Sabi po ni m-mama ay busy ka sa work pero bakit hindi ka tu-tumawag man lang?" nakikita ko na nahihirapan ng magsalita si Jamie kaya hinawakan ko siya at iniharap sa akin.
Pareho na kami ni Anthony na nakaluhod sa harap niya. "Shhh baby. Mahal ka ni Papa mo. Kaya nga siya nagwo work para masaya ka at maging maayos ka, diba?" mahinahon kong pagpapaliwanag pero umiling lang siya.
"Hi-hindi po totoo y-yan. K-kung nagwowork p-po si Papa para s-sa akin, b-bakit po nagbababad ka sa i-initan para makapag tanim at m-makabili ka ng milk ko? D-diba po dapat si P-papa lang ang nagw-work?" pati ako ay naiyak sa sinabi niya.
Hindi ko alam na aware na pala si Jamie sa mga ginagawa ko. Hindi ko naman ginusto na mag-isip siya ng ganito dahil sa oras na nagtatanong siya kung nasaan ang Papa niya ay pilit kong pinapaintindi.
Tumingin ako kay Anthony at nakita kong nakatalikod na siya sa amin pero tumataas baba ang kanyang balikat. Umiiyak din siya.
"Mahal kasi ang milk mo, baby kaya dapat dalawa kami nagwowork ni Papa." katuwiran ko habang pinupunasan ko ang pisngi niya na puno na ng luha at pati pawis.
"Eh di d-dapat po hindi na a-ako nag milk para hindi k-ka na nahirapan." sagot niya sa akin.
Lord, alam ko naman po na matalino, bibo, at maintindihin ang anak ko pero hindi ko po alam na ganito na siya mag-isip.
![](https://img.wattpad.com/cover/228974318-288-k77214.jpg)
BINABASA MO ANG
BS1: The Fallen Bachelor || ✓
RomansaBillionaire Series #1 Aiming to be successful and reach her dreams, Hydra Katelyn Mercado is doing everything she can to save money to go to college. Naka plano na lahat ng mangyayari sa buhay niya. Magtatapos siya ng pag-aaral at ipagpapatuloy ang...