Tinatanaw ko lang siya habang naglalakad siya malayo sa kinakainan ko. Nakita kong isinuklay niya ang buhok niya sabay kinuha ang cellphone at may tinawagan.
Kahit hindi pa ako tapos kumain at kahit nagugutom pa ako ay tumayo na kaagad ako bago lumabas. Baka kahit papaano ay nag-alala siya sa akin at ako ang hinahanap niya.
Nasa kabilang kalsada siya, doon sa pinaggalingan ko kanina. Hindi na ako tumawid at mapapagod lang ako kung magoover pass nanaman.
Hinintay ko siyang magawi ang mata sa gawi ko at nang nasa kabilang kalsada na ang tingin niya ay ginawa ko ang lahat para kumaway at makuha ang atensyon niya.
"Anthony!!" parang marami siyang kapangalan dahil nang sumigaw ako ay marami ang nagtinginan.
Nagtama ang mata namin. Kahit malayo ay para siyang napanatag nang makita ako. Agad siyang tumawid sa over pass at nang nakalapit sa akin ay nagulat nalang ako nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit.
"I'm sorry. I'm sorry. Please forgive me." habang nakayakap ay inulit-ulit niya itong sinasabi sa akin. He's caressing my hair. Nakakaagaw na rin kami ng atensyon dahil sa lagay naming dalawa.
Ako na ang kumalas at nakita kong medyo mapula na ang kanyang mga mata. Wala sa sariling hinaplos ko ang mata niya.
"Ako ba ang hinahanap mo?" mahinahon kong tanong. Tumango siya at hinawakan ang kamay ko na nasa pisngi niya.
"I'm sorry if I left you there. Hindi ko inintindi yung point mo at inuna ko lang ang selos ko. I'm sorry." sabi niya at hindi inaalis ang tingin niya sa akin.
"Ayos lang, naiintindihan ko."
Niyakap niya ulit ako. "Uh, gutom ka na ba? Where do you want to eat?" kumalas na siya ng yakap sa akin at ang nagawa ko nalang ay ituro ang McDo na pinag-iwanan ko ng pagkain.
"Uh, nung umalis ka, nanghiram ako ng pera kay Austein tapos naghanap ako ng makakainan tapos napadpad ako rito."
Pumasok na kami at wala na ang mga pagkain ko kanina, malamang ay niligpit na ng crew. Muling umorder si Anthony pero burger nalang ang pina order ko dahil busog na rin naman ako kahit papaano.
Tumunog ang cellphone ni Anthony na kaagad naman niyang sinagot.
"Yes, she's with me." rinig kong sabi niya at biglang iniabot sa akin ang cellphone niya. "Trixie wants to talk to you."
"Hello?"
"Uyyy, Hydra! Nakita ko yung post ng valedictorian nung batch natin noong high school. Meron daw tayong reunion this coming Saturday malapit sa BGC." deretso niyang sabi na halata sa boses ang excitement.
"Hindi ako sure. Alam mo naman yung kalagayan ko, diba? At isa pa, nakakahiya magpunta dun. Nakakahiya na lahat sila ay may patutunguhan na ang buhay, samantalang ako, hindi na nakapag-aral." narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Gusto Niya siguro talaga akong isama pero narealize ang point ko.
"Alam ko naman. Pero consider mo pa rin dumalo ha. Ayoko pumunta dun mag-isa, gusto ko kasama kita. Tsaka, pwede ka magsama ng plus one."
At sino naman isasama ko, aber? Si Lezzie? Eh mabobored lang yun kung sakali. Di ko rin naman pwede isama si nanay dahil makakaabala pa 'ko at hindi rin sanay si nanay sa mga ganung events.
"Okay. Sige bye na." siya ang unang nagbaba ng linya at ibinalik ko na kaagad kay Anthony ang phone niya.
"Why did she said?"
"Meron daw kaming reunion. Hindi naman ako makakapunta dun."
"Why not?" kunot noong tanong niya.
BINABASA MO ANG
BS1: The Fallen Bachelor || ✓
RomanceBillionaire Series #1 Aiming to be successful and reach her dreams, Hydra Katelyn Mercado is doing everything she can to save money to go to college. Naka plano na lahat ng mangyayari sa buhay niya. Magtatapos siya ng pag-aaral at ipagpapatuloy ang...