Lumabas na ako at kinausap siya. Nalaman ko na rito siya nag OJT para maging college teacher. Dati rin kasi na nagtatrabaho sa University na ito ang Papa niya.
"Wait ha. Text ko lang si Anthony." sabi ko at tumango naman siya. Gusto ko na ipinapaalam sa kanya lahat ng nangyayari sa akin. Walang lihim kahit maliit na impormasyon na kailangan niyang malaman.
To: Baby Anthony
Nakita ko si Austein dito sa school. Dito raw ang OJT niya.To: Baby Anthony
I got a perfect score sa unang exam. Sana magtuloy-tuloy.Natatawa pa rin ako sa pangalan na nakalagay sa contacts ko. Siya ang naglagay nun dahil hindi raw tunog special kapag Anthony lang.
From: Anthony
I see. Good for him. Sa kanya na rin ako manghihingi ng pabor para bantayan ka dyan kung sakali. Anyways, I'm so proud of you, babe!Natawa naman ako. Malamang ang sinasabi niyang bantayan ay ang pagmomonitor kung kumakain ako. Baka raw kasi tinatapon ko lang dahil sabi niya ay hindi pa nadadagdagan masyado ang timbang ko.
To: Anthony
Hindi ka yata nagseselos?Natawa ako at napatingin sa katabi. May hawak na rin siyang cellphone at natatawa. Pareho na yata kaming baliw.
Pagka send ko ng message ay ilang segundo lang nakita ko ang pangalan ni Anthony na ngayon ay tinatawagan ako. Agad ko itong sinagot.
"Hi." malapit na ako sa classroom. Natanawan ko naman si Ma'am Miranda sa di kalayuan at malamang ay sa klase na namin papunta.
"I'm not jealous... well a little bit. But I trust you, okay? I will not do the same mistake twice. Can you give your phone to him?" tumingin ako sa tabi ako wala na siya roon.
Nakita ko siya na nakasandal sa pader habang abot langit ang ngiti at nagsasalita. Mukhang alam ko na kung sino ang kausap.
"Wala na siya. Kausap siguro niya si Charmaine. Grabe ang ngiti oh." natatawa kong sabi at narinig ko rin ang mahinang tawa ni Anthony sa kabilang linya.
"Damn that guy. Reserved ang restaurant ko sa Saturday. Gusto niya surpresahin girlfriend niya." kwento nito. At talagang sa kanya pa lumapit si Austein huh?
"Sige na at ibababa ko na. Malapit na si Ma'am Miranda."
"Bye. I'll take to you again later. I love you." hindi maiwasang may kung anong sayang lumukob sa dibdib ko sa tuwing sasabihin niya 'yun.
"Mahal din kita." kahit hindi ko siya kaharap ay naiimagine ko na kaagad ang itsura niya. Malamang ay ngiting ngiti nanaman 'to.
Ibinaba ko na ang linya at sinalubong si Ma'am. Binitbit ko ang malaking bag na dala niya. New modules. May bago ng modules. Mabuti nalang at tapos ko na aralin ang una.
"Good to see you, hija. I heard of what happened. Okay na ba ang anak mo at pati na ang anak ni Mrs. Villacorta?" tumango ako at ngumiti. Mukha rin naman siyang mabait kahit hindi ko pa siya masyadong nakakasalamuha.
"Opo. Maayos na po ang lagay ni Anthony ngayon gayon na rin po ang anak namin." ngumiti siya sa akin at pumasok na kami.
Nakikita ko na nakatingin sa akin ang iba kong kaklase at ngumingiti sa akin. Nginitian ko lang din at naupo na. Hindi ko pa kilala ang iba sa kanila. Grabe na miss ko bigla si Allison. Nung unang araw pa lang ay ginulo na ako nun.
Nag focus na ako sa pakikinig. Buti at wala akong test na kukunin kay Ma'am dahil the whole time na wala ako ay hindi rin daw siya nagbigay ng quizzes at puro discussions lang.
Sa mga sumunod naman na klase ay naging maayos ang takbo. Kung hindi perfect ay may mali ako na isa hanggang tatlo. Deserve ko matulog nang matagal mamaya. Feeling ko naubos ang brain cells ko.
BINABASA MO ANG
BS1: The Fallen Bachelor || ✓
RomanceBillionaire Series #1 Aiming to be successful and reach her dreams, Hydra Katelyn Mercado is doing everything she can to save money to go to college. Naka plano na lahat ng mangyayari sa buhay niya. Magtatapos siya ng pag-aaral at ipagpapatuloy ang...