Chapter 35

5.5K 117 6
                                    

Ilang araw lang ay pinayagan nang umuwi si Anthony. Naging maayos na rin kasi ang pakiramdam niya nitong mga nakaraang araw. Kailangan lang ng alalay dahil minsan ay sumasakit ang sugat niya lalo na kung basta lang siyang gumagalaw.

"Tubig?" tumango si Anthony kaya bumaba na muna ako para ikuha siya ng inumin. Naabutan ko si nanay na nakikipaglaro kay Jamie.

Bukas ay balik na kami sa normal. Napagpasyahan namin na mag homeschool muna ang anak namin at sa susunod na taon na lamang ipapasok sa isang private school.

Ako naman ay bukas na papasok. Marami na akong na missed na klase. Mabuti na lamang ay pinayagan akong maghabol ng mga prof ko, dahil na rin sa koneksyon ng pamilya ni Anthony.

"Ito na oh."

"Thank you, babe." nakangiting sabi niya at tumango na rin ako. Sanay na rin ako sa tawag niya at hindi ko na rin sinasaway, tutal gusto ko rin naman laging marinig. "Tapos ka na magreview?"

Tumango ako. "Pero may dalawa pang subjects akong rereviewhin. Ang dami kong na missed na lessons, exams and short quizzes. Yun lang ang pwede ko habulin dahil yung after quiz ng discussion hindi ako pwede mag take at hindi ako pinayagan, unfair na raw kasi masyado." 

"If ever you need my help, don't hesitate to ask me, okay?" ngumiti ako at sinamahan siya hanggang sa makatulog siya ulit. Ganun lang ang pinapagawa namin sa kanya. Matulog, magpahinga at magpalakas. Hindi namin siya pinapayagang gumawa ng kahit anong trabaho.

Nakaunan siya sa hita ko habang hinahaplos ang buhok niya. Isa pang bagay na nakasanayan ko na rin gawin. Mas madali raw kasi siyang nakakatulog sa tuwing ginagawa ko 'yon. 

"Agggh!" sigaw ko at pinukpok sa ulo ko ang lapis na hawak. Nakakainis na at hindi ko maintindihan masyado yung mga binabasa ko. Antok na antok na 'ko at may gagawin pa akong presentation pagkatapos dahil hindi naman ako nakasama sa groupings kaya mag-isa akong magrereport.

Tinignan ko ang orasan at malapit na mag alas dose. Nakaka frustrate at gusto ko nalang maiyak. Kailangan ko pa gumising nang maaga pero marami pa rin akong gagawin.

Naaral ko naman na ang reports at talagang presentation nalang ang wala. Kinuha ko ang laptop na pinahiram sa akin ni Anthony at nagsimula nang gumawa.

Nagulat ako nang bumukas ang pinto ng library at iniluwa nun si Anthony na mukhang bagong gising at hindi pa lubos na ibinubuka ang mga mata.

"Nagising ako kasi naramdaman ko na hindi kita katabi. Naisip ko agad na baka gumagawa ka ng school works and I'm right." lumapit siya sa akin at tumabi sa katabing upuan. "You look sleepy."

Hinaplos niya ang pisngi ko na lalong nagpa antok sa akin.

"Matulog ka muna kahit isang oras. Gagaan pa rin ang pakiramdam mo sa ganun. I'll sleep here, beside you." tumango ako at hinalikan niya naman ang noo ko.

Minuto lang ay kinain na ako ng antok. Huli kong naramdaman ay ang paglutang ko at pagbuhat sa akin ni Anthony.

2AM. Iginala ko ang mata ko at nandito na ako sa kwarto ni Anthony. Wala siya rito. Tumayo na ako at bumalik sa library. Naabutan ko si Anthony na nakayuko at malamang ay natutulog na.

Teka, bakit siya rito natulog?

Lumapit ako at hindi ko muna siya ginising. Mukhang mahimbing ang tulog eh. Binuksan ko ang laptop at pumunta sa file ng presentation na sinimulan ko. Laking gulat ko nang dumami ang slides na 'yun. Inisa-isa ko ito hanggang sa makarating ako sa dulo.

Napatingin ako sa tulog pa ring si Anthony. Tinapos niya yung presentation ko? Sumupil ang ngiti sa akin at halos maluha na ako sa sobrang tuwa. Nakuha ko siyang halikan sa pisngi at nakita ko siyang napangiti rin pero hindi naman siya nagising.

BS1: The Fallen Bachelor || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon