"Hey..." napamulat ng mata si Anthony at tumingin sa akin. "Okay na pakiramdam mo?" he stretched his arm and feel my forehead.
Tumango ako. Dahan-dahan siyang umayos ng upo at binuhat si Jamie. "Come with me?" siguro ang tinutukoy niya ay ang pagdadala ng anak namin sa kwarto nito.
Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kaming dalawa at kalong niya ang munti naming prinsesa. Inayos namin ang higa niya bago kami sabay na lumabas.
"Sabi mo ay may sasabihin ka sa'kin?" panimula ko.
"Kagagaling mo lang sa sakit. We can talk about that next time." umiling ako. Gusto ko na malaman dahil wala rin namang kaibahan kung sa ibang araw ko malalaman.
"Sabihin mo na." pilit ko at nang bumuntong hininga siya ay alam ko sa sarili kong napapayag ko siya.
Tahimik lang kami na nakaupo sa hardin. Pinapakiramdaman ko siya ngunit ganun din ang ginagawa niya sa akin. Ang tahimik pero hindi ko gustong umalis. Mas ayos sa akin ang ganitong katahimikan.
"Well, Austein talked to me... regarding on what happened years ago." napatingin ako sa kanya at hinintay siyang magpatuloy.
Mukha siyang kinakabahan at ganun din ang mararamdaman ko. Napaka sensitibo ng usaping ito para sa'kin. Bagay na ayoko nang balikan pa pero alam ko sa sarili ko na may tanong pa rin ako at sa tingin ko ay masasagot na yun ngayon.
"Nag sorry siya dahil sa tingin niya ay nasira niya ang relasyon natin. Alam niya rin kung sino ang nag frame up sa inyong dalawa... sa ating lahat." kahit hindi ko pa kilala ay umakyat na ang dugo sa ulo ko.
Napakuyom ang kamao ko, "Sino?"
"Tricia." nakita ko na tumiim ang bagang niya senyales na nagpipigil na siya dahil sa galit.
Sa minuto na 'yun ay gusto kong tumayo at sugurin kung nasaan man ang walang hiyang iyon. Hindi na ako magugulat pero wala talaga akong pinaghinalaan noon. Hindi pumasok sa isip ko na gagawin niya yun sa akin lalo na nung reunion ay ginusto niyang makipag-ayos sa akin.
Yun pala ay isa yun sa mga plano niya. Ito naman akong si tanga, naniwala.
"He asked for my forgiveness. Dun ko napagtanto na napaka gago ko. Pilit kong isinisisi sa kanya at sa'yo ang mga bagay na ako naman talaga ang may kasalanan. Ako yung may kasalanan kung bakit nalayo kayo sa akin ni Jamie. Ako yung may kasalanan ng lahat. Sarado yung putanginang isip ko sa mga paliwanag mo. Sariling sakit ko lang yung iniisip ko kaya hindi ko inisip yung mga sakit na nakikita ko sa mata mo sa tuwing sinasabihan kita ng masasakit na salita."
Hindi ako umimik at hinayaan lang siyang magsalita. Tutal, hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko. Tagal ko nang hinintay ito. Yung maintindihan niya ako... kahit pa huli na.
Hindi nakaligtas sa akin ang mga luha na pumatak sa kanyang mga mata. Puno ng sakit at lalo na ang pagsisisi.
"Napaka walang kwenta ko. Mas napagtanto ko 'yun nung s-sabihin ni Jamie yung mga pinaghirapan mo. N-nung sinabi niya kung paano ka nahihirapan sa pagtatanim para matustusan ang mga pangangailangan niya, m-mas lalo akong nagalit sa sarili ko..." huminto muna siya at huminga nang malalim.
"Hindi ko matanggap na nagawa ko kayong ipagtabuyan. Maiintindihan ko kung hindi mo ako mapapatawad kaagad dahil kahit ako, hindi ko magawang patawarin ang sarili ko. I can't believe that I pushed you and our angel away. Masyado akong nagpakain sa galit na pati sarili kong pamilya nawala sa akin."
Umiiyak na kaming dalawa ngayon. Hindi ako makapag salita. Halos sumakit na nga ang lalamunan ko dahil sinusubukan ko ring pigilan pero hindi na talaga kaya at kumawala na ang hikbi sa akin.
BINABASA MO ANG
BS1: The Fallen Bachelor || ✓
RomanceBillionaire Series #1 Aiming to be successful and reach her dreams, Hydra Katelyn Mercado is doing everything she can to save money to go to college. Naka plano na lahat ng mangyayari sa buhay niya. Magtatapos siya ng pag-aaral at ipagpapatuloy ang...