Chapter 8

5.9K 147 18
                                    

Ilang araw ko hinintay kung kailan ako yayayain ni Anthony para makapunta at makita ko si Clint pero hindi na yata matutuloy.

Nakaka disappoint kasi bukod sa nangako siya ay kung sino-sinong babae pa ang nakikita ko na kasama niya. Tsk wala siyang isang salita. Dapat sa kanya pinapa shoot to kill.

"Sana hindi mo mamana ugali niya, baby," sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko. Hindi ako makapag hintay na sumagot siya sa pamamagitan ng pagsipa.

"Sinong tinutukoy mo?" muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko nang marinig ang boses ni Anthony.

Speaking of the babaero and sinungaling.

"Wala"

Hindi kami close pero di ko alam kung bakit ang lakas ng loob kong magalit sa kanya. Baka masyado lang talaga ako na excite na makita si Clint kaya nung nakalimutan niya ay sobra akong nagtampo.

"I bought you some fruits. Gusto mo ba ipagbalat kita?"

Tumango nalang ako at hindi na kumibo. Nakatingin lang ako sa labas habang siya ay hinihiwa ang mansanas at binalatan ang pinya.

"Are you okay?" siguro ay pansin niya na tahimik ako. Hindi naman talaga ako masyadong palakibo sa kanya kaya hindi siya dapat manibago. "Bakit ang tahimik mo?"

"Tahimik naman talaga ako," sagot ko sa kanya. Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"By the way, wala si mommy dito bukas up until Saturday. She will go out with your mom." napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi.

Wala naman kasing nababanggit sa akin si nanay na aalis sila ni Tita Felicia. Ano kayang gagawin at saan sila pupunta? Mamaya ko nalang siya kakausapin at tatanungin.

"And..." mukhang nag-aalangan siya sasabihin. "We need to sleep in the same room...in my room. Kailangan kitang mabantayan habang wala sila"

"Ano? Nandyan naman si Lezzie. Siya nalang magbabantay sa akin."

Tsaka bakit kailangang nasa iisang kwarto kami? Parang hindi ko gusto yung ideya na iyon. Nakakahiya at huling beses na nagsama kami sa kwarto, nalagyan ng bata yung tiyan ko.

"Lezzie will not be here. Mag o-overnight daw siya sa kaklase niya dahil marami silang tatapusin na projects."

Pati ba naman si Lezzie ay hindi nagsabi sa akin? Surprise ganun? Baka pag nagsama pa kami sa isang kwarto ay biglang maging kambal yung anak ko.

"Hindi naman siguro necessary na sa kwarto mo ako matulog. Okay lang naman ako sa kwarto namin."

"You're carrying my child. Baka mapahamak pa siya kung mapapabayaan mo." natahimik ako. Oo nga pala. Ano ka ba, Hydra! Umasa ka ba na ikaw ang inaalala niya? Alalahanin mo na nandito ka dahil sa bata.

"Uh, okay." hindi na ako nakipag argumento at baka kung ano pa ang masabi niya na pati ako ay hindi ko magustuhan.

Dapat maaga palang ay malaman ko na kung saan ako dapat lumugar. Lugar na nababagay sa'kin. Yung hindi ako hihiling at aasa.

Habang busy siya ay lumabas na muna ako at pumunta sa garden. Dala ko ang keypad kong cellphone at tinawagan si nanay. Wala siya ngayon dito dahil isinama raw siya ni Tita Felicia.

"Hindi ka naman papabayaan ni Anthony. Ibinilin na kita sa kanya."

"Kahit na po, nay. Hindi pa rin po ako komportable."

"Nakabuo na kayo ngayon ka pa nahiya," sagot niya sa akin.

"Nay!" narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. Alam naman niya kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon.

BS1: The Fallen Bachelor || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon